Sinabi pa ng seksing aktres na binola lang siya ni Direk para gawin ang pelikula na hanggang ngayon ay hindi pa siya fully paid. Kung tutuusin ito na ang pinaka-boldest sa lahat ng pelikulang nagawa niya.
Pansamantalang nagpahinga ang seksing aktres dahil siyay nanganak pero balik-showbiz na naman ito ngayon.
Palalawakin pa nito ang turismo sa pamamagitan ng taunang pagdaraos ng fluvial festival sa ibat ibang bahagi ng Laguna. Si Erwin ay nagpakadalubhasa sa larangan ng pagsasaka kung saan ibinabahagi ang kaalaman tungkol dito.
Siya rin ay isang broadcaster ng DWIZ at aktibong miyembro ng Rotary Club ng Pagsanjan at Couples for Christ.
Titig na titig si Vic habang umaawit ang anak dahil marahil may nerbyos ding nadarama pero matapos ang huling bilang ay nakangiti ito at panay ang palakpak gayundin si Dina. Kumukuha pa rin sila ng photo gamit ang cellphone. Doon ko napatunayan kung gaano sila ka-close bilang pamilya. Sabi nga ni Danica ay mamas Boy si Oyo at Papas girl naman siya.
"Dream ko noong bata pa na maging singer kaya tinuturuan na ako ni Daddy sa pagkanta. Nang iparinig ko nga ang mga awitin para sa album ay nagko-comment si Mommy na kulang pa ng feeling. Sila nga ni daddy ang number one critic ko. Hindi naman ako kasing galing ng ibang artist pero may passion ako para maging singer at gusto kong i-share ang talent ko sa iba pa at di ko habol ang sumikat," aniya.
Nagko-compose din si Danica ng mga awitin na namana nito kay Vic.
Three months bago natapos ni Danica ang CD 45.
Kahit loveless ay masaya naman ang magandang aktres lalo na ngayon at gumaganda ang career nito sa Siyete via Twin Hearts. "Kahit kontrabida ay enjoy ako dahil maganda ang feedback ng manonood at sinasabi nila na credible ang aking performance. Yong iba naman ay nagagalit dahil tinatanong ako kung bakit ko inaaway si Tanya Garcia. Ipinaliwanag ko naman sa kanila na bahagi lang ng trabaho ang inilalarawan ko dahil sa tunay na buhay ay mabait ako," aniya.
Kung gumanda ang career ni Tin sa Siyete ay naging frozen delight naman ang ex-boyfriend nitong si Luis dahil nawalan naman ito ng assignment sa Dos.