^

PSN Showbiz

Hilamos lang at Vitamin E ang sikreto ng makinis na mukha ni Jolina

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Paminsan-minsan, problema rin pala ang magkaroon ng baby face, tulad ng mga nangyari sa forever young na si Jolina Magdangal.

Tuwing nasa abroad siya at manonood ng mga pelikulang restricted for mature audiences, matagal bago siya makapasok ng sinehan. Kahit kasama niya ang kanyang ate, pareho silang pinagkakamalang menor de edad.

"Naku, 25 years old na ko," paglilinaw ni Jolens. "Gusto pa ng mga takilyera ipakita ko sa kanila ang aking passport. Kaya naman lagi naming dala ito. Ang ate ko naman 30 na, ayaw pa ring tanggapin agad."

Minsan naman, nag-usyoso siya sa casino sa Las Vegas. Gusto ni Jolens na maka-experience na maglaro ng slot machine. Sarap na sarap siya sa pwesto niya sa harap ng one-armed bandit. Talagang libang na libang na siya nang biglang lapitan siya ng mga pulis.

Palalabasin sana sa casino ang neneng nagsusugal, kundi agad niyang ipinakita ang kanyang passport. Duda pa ang mga pinagpakitaan niya ng papeles at tinitigang mabuti ang litrato sa passport.

Ayon sa kanya, wala naman siyang magastos na beauty maintenance kaya’t napanatili niyang makinis at bata ang kanyang kutis.

"Basta ako, naghihilamos lang palagi bago matulog," sabi ni Jolens. "Mahimbing kasi ang tulog kapag malinis ang mukha at buong katawan. Kung pagod ako, pahinga muna bago mag-warm shower."

Ang tanging sikreto lang niya, kung sirketo ngang masasabi– ay pag-aaply ng Vitamin E cream sa mukha, pag malinis na ito.

"Surely, nakakatulong ang Vitamin E," amin ni Jolens. "Meron naman kasing magandang effect ang kahit anong bitamina sa ating balat. Lalo na ang Vitamin E, meron itong rejuvenating qualities."

Dati siyang isang child performer bilang myembro ng grupong 14K ni Ryan Cayabyab. Sa mga batang grupong ito, nanggaling ang marami nating mahuhusay na singers ngayon.

After 14 K, nag-Ang TV naman siya. Nahasa rin siya ng husto sa pag-emcee o pag-host ng show dito. Lalo pa noong nagkaroon na siya ng sariling portion.

Sa Ang TV din nangyari ang isang karanasang hinding-hindi makakalimutan ni Jolina.

"Nakatirintas pa ako noon, tig-isa sa magkabilang side," flashback ni Jolens. "Naka-brace din ako that time dahil hindi maganda ang tubo ng mga ngipin ko."

Nagsasayaw sa isang big production number si Jolens, kasama ang mga taga Ang TV nang biglang sumabit ang isang tirintas niya sa braces.

"Medyo nag-panic ako. Hindi ko alam ang gagawin. Kung hihilahin kong bigla ang buhok ko sa brace o pababayaan ko na lang. Nag-decide ako na tumungo na lang. Kaya’t nakatungo ako hanggang matapos ang number na ‘yon."

Sa backstage lamang natanggal ng mahusay ni Jolens ang kanyang tirintas na tresspassing sa corrective braces."

Ang kanyang mga karanasan as a child performer, naging very useful sa kanyang pagiging host ng StarStruck Kids, na pinalalabas na sa GMA-7 tuwing Sabado ng alas-6 ng gabi.
* * *
Dalawang foreign films ngayon ang tungkol sa mga kabayo.

Nauna nang ipalabas ang Hidalgo na tungkol sa isang mustang na kampeon sa mga long distance races. Si Hidalgo ay sinakyan ni Frank Hopkins tungo sa maraming tagumpay at the turn of the 20th century.

Ang isa pang malaking pelikula tungkol sa kabayo ay ang Sea Biscuit. Ito naman ay tungkol sa winningest horse sa mga multi-million dollar derbies.

Hindi pa napapalabas sa ating bansa kaya’t hindi ko pa napanood ang Sea Biscuit. Maraming nominations sa Oscar at Golden Globe awards ang pelikulang ito, pero hindi ko pa masabi kung higit na maganda kaysa sa Hidalgo na dinarayo sa mga sinehan ngayon.
* * *
Mukhang magkakaroon na ng kompetensya ang Masculados sa katauhan ng mga Viva Hot Men. Pareho kasing mga studs ang image ng dalawang grupo kaya’t tiyak na magbabakbakan sila sa popularidad, very soon.

Matagal na sa eksena ang Masculados ni Direktor Maryo J. Delos Reyes.

Naging gold na ang debut Universal Records album nila at malapit nang ilabas ang kanilang second album. Sa ngayon, masyadong in-demand ang Masculados sa mga live shows all over the country. Talagang hindi sila nababakante, maging sa mga TV guestings.

Ma-maintain kaya nila ang kanilang popularity pagpasok ng Viva Hot Men?

vuukle comment

AKO

DELOS REYES

JOLENS

MASCULADOS

SEA BISCUIT

SIYA

VITAMIN E

VIVA HOT MEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with