^

PSN Showbiz

Susan,di pinapasok sa palengke ng Cubao !

- Veronica R. Samio -
Kung ang kapatid niyang si Jolo Revilla ay happy sa girlfriend nito, ang 15 year old na daughter ni Rosanna Roces na nagngangalang Grace, ang kapatid naman ni Ara Mina na si Christine Reyes, isa sa mga StarStruck Avengers, ang apple of the eyes ng kapatid niyang si Bryan Revilla. Masugid daw ang pamimintuho ng binata kay Christine.

Isang taon lamang ang tanda ni Bryan kay Jolo, pareho nilang hilig ang mag-gym at manood ng sine at ayaw na ayaw nila pareho sa mga mapagkunwaring mga tao.

Sipsip daw si Jolo sa kanilang mga parents kung kaya ang mga ito ang paborito niyang artista samantalang si Bryan goes for Al Pacino, Robert de Niro, Camerron Diaz at Halle Berry.

Sa kasalukuyan ay napapanood ito sa mga programang Click, Luv to Luv at Idol Ko si Kap. Napanood na rin siya sa mga komersyal na Lucky Me at Capitol Bank.

Kung mayro’n mang inidolo si Bryan ito ay walang iba kundi ang kanyang ama, si Bong Revilla, na lingid sa kaalaman ng marami ay naghakot ng mga pandaigdig na karangalan para sa Pilipinas na hindi nagawa ng mga titulado’t may mataas na pinag-aralang opisyal ng gobyerno.

Sa pagiging chairman ng VRB tumanggap siya ng parangal mula sa Motion Picture Association of America, Motion Picture Association, Motion Picture International mula sa City of Los Angeles, California dahilan sa magilas niyang paglaban sa piracy. Tumanggap din siya ng International Award of Honor mula sa International Narcotic Enforcement Officers Association, Inc. sa Albany, New York para rito.

Nung una, akala ng mga Amerikano ay walang silbi ang VRB dahilan sa wala itong naipapakulong na nagnenegosyo ng ilegal na videogram pero nagbago ang kanilang paniniwala nang masintensyahan ang 26 Chinese businessmen ng pagkakulong at multa dahilan sa pirated discs.

Dahilan dito kumain si Bong at ang buo niyang pamilya ng death threats. Marami ring pagbabanta sa kanyang buhay mula sa sindikato ng drugs. Ito’y ilan lamang sa mga achievements ni Bong sa public service.
* * *
Marami ang nakapansin sa launching ng Viva Hot Men kay Miguel Garcia dahilan sa malaking pagkakahawig nito kay Jean Claude Van Damme at kay Carlos Morales.

Ang respetadong direktor na si Mel Chionglo, ang naka-diskubre sa sexy, flawless at karinyosong si Miguel at isinama niya ito sa ginagawa niyang pelikula, ang Two Timer at binigyan ito ng isang mainit na lovescene kasama si Ara Mina.

Isang ramp model si Miguel na minsan ay itinanghal na Manila’s l0 Handsomest. Naging finalist din ito sa 2003 Mossimo Bikini Summit. Tapos ito ng BS Criminology at may gym business, ang Supertomm Fitness Gym sa Parañaque.
* * *
Kahit hindi nanalo ng P1M at isang bahay at lote sina Raymond Manalo at ang Fil Canadian teener na si Genevieve Villabroza, tumanggap naman sila ng management contract mula sa Viva Artists Agency (VAA) kasama ang tumalo sa kanila at tinanghal na kampeon ng Search For A Star na si Rachelle Ann Go.

Ganito rin ang ginawa ng Viva kay Mark Bautista. Natalo si Mark ni Sarah Geronimo sa grand finals ng Star For A Night pero, pinapirma rin siya ng kontrata ng Viva. Nakapag-release na ito ng solo album niya at nakalabas na siya sa mga music video na kasama si Sarah. Siya rin ang love interest ni Sarah sa Sarah, The Teen Princess sa ABS CBN.

Sa ngayon, may plano na ang Viva na isama silang tatlo sa roadshow ni Sarah na magsisimula sa Abril sa Pampanga. Makakasama rin sila sa isang show na pinamagatang Night of the Champions na mapapanood sa Hunyo sa Aliw theater.

Malaki ang paniniwala ng tatlo na nasa mabuting kamay sila sa Viva. "Pinasikat nila si Sarah, kaya alam namin na kaya din nilang gawin ito para sa amin," magkakasabay na sambit nila.
* * *
First Lady of Philippine Movies na si Susan Roces. Tinatawag siya ngayong "Palengke Queen", isang titulo na ibinigay mismo sa kanya ng mga nagtitinda sa palengke na kanyang pinupuntahan para ikampanya si Da King sa pagka-Pangulo ng Pilipinas.

Nakapunta na siya sa mga palengke ng Quiapo, Divisoria, Q-Mart, Murphy at sa lahat nito, dinumog siya’t pinaghahalikan ng kanyang mga tagahanga simula pa nung Sampaguita days niya.

May isang palengke sa Cubao na di siya pinayagang makapasok hangga’t di pa raw nakakapunta ng una run ang mga taga-administrasyon. Naintindihan naman sila ni Susan who has remained gracious and jolly all throughout.

Ilan sa mga nakakasama ni Susan sa kanyang paglilibot ay si Manay Marichu Maceda kasama ang ilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz at mga asawa at kamag-anak ng mga vice presidential at senatorial candidates.

vuukle comment

AL PACINO

ARA MINA

BONG REVILLA

BRYAN REVILLA

CAMERRON DIAZ

CAPITOL BANK

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with