^

PSN Showbiz

Pang-apat sa bansa ang Benz na gamit ni Assunta sa kasal !

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Head over heels si Jolo Revilla, anak ni senatoriable Bong Revilla sa anak ni Rosanna Roces na si Grace. Very open si Jolo sa pagsagot sa mga questions tungkol sa bagets ni Osang na second year high school sa Our Lady of Montessori School.

Accepted na siya ni Osang dahil sinabi niya sa dating bold star na hindi niya lolokohin si Grace.

Si Osang ang unang niligawan ng binata ni Bong and Lani Mercado. Since mahilig sa donuts si Osang, wala siyang ginawa noong nanliligaw pa lang kay Grace kundi magdala ng donuts sa bahay nila Osang.

True enough nakuha niya ang sympathy ng nanay ni Grace.

Kino-consider ni Jolo na first serious girlfriend niya ang bagets ni Osang. Actually, marami na siyang naging girlfriend pero ngayon lang niya na-feel na in love talaga siya. Ayaw na lang niyang i-mention kung ilan na ang mga naging girlfriends niya, basta ngayon daw, si Grace ang mahal niya.

Nasa magkabilang dulo ng Metro Manila ang location ng house nina Jolo and Grace, si Jolo sa Alabang samantalang ang bahay naman nina Rosanna ay somewhere in Fairview, pero at least three to four times a week kung dumalaw si Jolo sa girlfriend.

Or kung hindi naman sila nagkikita, every hour naman ay nag-uusap sila thru cellphone or nagti-text sila according to Jolo na katatapos lang mag-birthday.

Wala pang birthday gift sa kanya ang girlfriend. "Sinabi ko naman sa kanya kahit wala siyang gift, okey na sa akin ‘yung pagmamahal niya," he said in an interview.

Three year old Navigator naman ang gift sa kanya ng kanyang mommy at daddy.

Going back to Grace, pareho raw ang advice sa kanya ni Osang at ng kanyang mommy at daddy, "huwag seryosohin ang inyong relasyon, mga bata pa kayo."

In coming third year high school pa lang si Jolo sa Kennedy School of International Studies.

Dahil bakasyon na, magiging busy si Jolo sa kampanya para sa kanyang daddy. Ngayon pa lang nga ay nagpo-proxy na siya sa mga kampanya. Marami-rami na rin siyang napuntahang lugar para ikampanya ang kanyang ama. Like Bong, nagi-speech din siya everytime na magpo-proxy siya. "Medyo nasanay na nga ako eh. Alam ko na ang sasabihin ko," he avers.

Like his father, pag nagsasalita siya, sinabi niya ang mga plata porma ni Bong.

Kaya hindi nakakapagtaka, kung after college ay pumasok na rin sa pulitika si Jolo.
* * *
Believe it or not, pero nakagawa rin pala ng 20 movies si Sen. Robert Jaworski. You read it right folks, ganoon karami ang nagawa niyang pelikula. At ang nakakatawa pa rito, si Fernando Poe Jr. pala ang nag-encourage sa kanyang mag-try sa pelikula via Fando kung saan si FPJ ang lead character.

"Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nalilimutan na ang first shooting day ko ay sa Taal in Batangas, may hawak akong baril," he recalls in an interview kung saan siya (Jawo) bisita ni Jolo sa kanyang birthday blowout sa Anabel’s last Wednesday night.

Sikat na siyang basketball player during that time.

Hindi naman daw siya nahirapang mag-isip na tanggapin ang movie.

Nasundan pa ang Fando ng maraming pelikula with Conrad Poe and Paquito Diaz.

Aside from movies, naging TV star din si Jaworski. Naka-ilang TV shows din siya. Kasama sa mga naging shows niya ang isang tele-magazine with Joy Virata at ang Manila Files sa Channel 5.

Pero after basketball, hindi na nakabalik sa TV and movies si Jaworski, mas pinili niya ang politics. Hindi siya nahirapang manalo no’ng first time niyang tumakbo. This year magi-end ang term niya at gusto niyang bumalik sa senado dahil marami pa raw siyang mga nasimulang bill na gusto niyang tapusin.

Marami siyang naipasang bill na naka-concentrate sa environment. Ang pinaka-latest ay ang Clean Water Act na naka-schedule pirmahan ni Pres. Arroyo bilang batas sa Lunes.
* * *
Ikaapat lang palang unit ang biniling kotse (Mercedez 1969) ni Cong. Jules Ledesma na ginamit ni Assunta de Rossi na bridal car last Sunday sa Santuario.

Sa buong Pilipinas, sina Greggy Araneta, Danding Cojuangco and Navotas Mayor Toby Tiangco ang may ganoong klase ng kotse na worth P5 million.

Ang nasabing Mercedez daw kasi ang fastest sedan during the 60s at 200 units lang daw ang ganoong kotse sa buong mundo na ang apat nga ay nasa Pilipinas.

Binili ni Cong. Jules ang nasabing car sa US na na-search niya thru internet.

BONG REVILLA

CLEAN WATER ACT

CONRAD POE

DANDING COJUANGCO

JOLO

LANG

NIYA

OSANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with