Ayaw na ng GMA sa 'Search For A Star!'
March 20, 2004 | 12:00am
Matapos ang finals ng Search For A Star, sinabi nilang bibigyan naman ng hustong build up ang winner nitong si Rachelle Ann Go. Bibigyan ito ng isang recording contract, at siguro nga ilalabas sa iba pang mga shows, pero sayang dahil yon na pala ang huling Search For A Star. Papatayin na pala ang nasabing TV show.
Nakakahinayang dahil maganda sana ang following ng nasabing show. Pero kagaya rin ng Star For A Night, na matapos ang isang taon ay pinatay na agad, ganoon din ang kinahinatnan ng Search For A Star. Ang dahilan umano, bakit pa nga naman makikipag-co produce ang Channel 7 eh may ganoon na silang show, na mataas din naman ang ratings.
Yan ang problema ng Viva Television, kahit na anong show ang gawin nila, pwede silang alisin ano mang oras kasi wala naman silang sariling istasyon. Noon namang kukuha sila ng sarili nilang istasyon, hindi rin naman nila nabayaran at ngayon nga napakalaki pa ng kanilang utang sa IBC Network. Babayaran na lang daw yata nila iyon ng rights ng kanilang mga lumang pelikula.
Hindi namin alam kung yang Search For A Star ay maililipat nila sa ibang istasyon. Siguro kung gagawin man nila iyon, kailangan din nilang magpalit ng title dahil ang show na iyan ay isa ngang co-production nila ng Channel 7. Maghahabol ang GMA kapag ginamit nila ang title na iyan.
Hindi rin namin alam kung papayagan pa ng Channel 7 ang kanilang star na si Regine Velasquez na maging host ng show na yan kung gagawin man yan ng Viva sa ibang istasyon. Parang hindi na rin naman maganda para kay Regine yon, kasi nga taun-taon pagkatapos ng finals, tigbak na ang show niya.
Noong araw, isang traditional na senaculo lamang ang aming napapanood diyan sa Sta. Ana, doon sa Plaza Hugo. Pero ngayon, mukhang lumalawak na ang ginagawa ng Dulaang Santa Ana. Hindi lamang sa Plaza Hugo ang kanilang palabas, kung di sa loob ng anim na gabi, mula Linggo ng Palaspas hanggang Biyernes Santo ay ipapalabas nila ang Martir ng Golgota sa ibat ibang lugar.
Sa kauna-unahang pagkakataon, kumuha sila ng mga propesyonal na artista. Gaganap na Magdalena si Alma Concepcion at ang gaganap namang Kristo ay si Richard Signey, na isang kilalang stage actor.
Mas maganda nga raw ngayon ang kanilang produksyon. Mabuti naman at umaasenso ang mga grupo ng teatro.
Tinitiyak ng aming source, hindi isang look-alike lamang ng isang matinee idol ang nasa litrato kasama ang isang showbiz gay. Siya mismo ang nasa picture na yon at bata pa siya nang makunan ang picture na iyon. Kuha raw iyon nang ang matinee idol ay isa pang "katok boy", yon bang mga batang lalaking kumakatok kung gabi sa pinto ng bahay ng mga bakla sa kanilang lugar.
Sabi pa ng aming source, hindi lang daw isa kundi maraming bakla ang magpapakita sa amin ng picture nila na kasama ang matinee idol at may picture pa nga raw na mas grabe pa kaysa sa aming nakita.
Nakakahinayang dahil maganda sana ang following ng nasabing show. Pero kagaya rin ng Star For A Night, na matapos ang isang taon ay pinatay na agad, ganoon din ang kinahinatnan ng Search For A Star. Ang dahilan umano, bakit pa nga naman makikipag-co produce ang Channel 7 eh may ganoon na silang show, na mataas din naman ang ratings.
Yan ang problema ng Viva Television, kahit na anong show ang gawin nila, pwede silang alisin ano mang oras kasi wala naman silang sariling istasyon. Noon namang kukuha sila ng sarili nilang istasyon, hindi rin naman nila nabayaran at ngayon nga napakalaki pa ng kanilang utang sa IBC Network. Babayaran na lang daw yata nila iyon ng rights ng kanilang mga lumang pelikula.
Hindi namin alam kung yang Search For A Star ay maililipat nila sa ibang istasyon. Siguro kung gagawin man nila iyon, kailangan din nilang magpalit ng title dahil ang show na iyan ay isa ngang co-production nila ng Channel 7. Maghahabol ang GMA kapag ginamit nila ang title na iyan.
Hindi rin namin alam kung papayagan pa ng Channel 7 ang kanilang star na si Regine Velasquez na maging host ng show na yan kung gagawin man yan ng Viva sa ibang istasyon. Parang hindi na rin naman maganda para kay Regine yon, kasi nga taun-taon pagkatapos ng finals, tigbak na ang show niya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, kumuha sila ng mga propesyonal na artista. Gaganap na Magdalena si Alma Concepcion at ang gaganap namang Kristo ay si Richard Signey, na isang kilalang stage actor.
Mas maganda nga raw ngayon ang kanilang produksyon. Mabuti naman at umaasenso ang mga grupo ng teatro.
Sabi pa ng aming source, hindi lang daw isa kundi maraming bakla ang magpapakita sa amin ng picture nila na kasama ang matinee idol at may picture pa nga raw na mas grabe pa kaysa sa aming nakita.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended