^

PSN Showbiz

More than looks,okay ang winners ng Star Awards

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Kakaiba ang look ng gabi ng parangal ng 20th Star Awards for Movies na ginanap noong Sabado ng gabi sa AFP Theatre. Hindi ako personal na naka-attend ng awards night dahil nasa probinsya ako. Pero napanood ko ang kabuuan ng show sa telebisyon at na-impress ako sa production.

But more than the look, gusto ko ang choice of winners ng Philippine Movie Press Club ngayong taon. Agree ako na deserving si Aiai delas Alas sa best actress award para sa performance niya sa Ang Tanging Ina. Si Zsazsa Padilla, according to a PMPC member ang naging mahigpit na kalaban ni Aiai for the award.

Nang mapanood ko ang Magnifico, sinabi ko na sa sarili ko na mananalo ng award si Jiro Manio. At nangyari nga. Si Jiro ang youngest recipient ng best actor award sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Sa totoo lang, napakahusay ng pagkakaganap niya bilang Mikoy na inihahanda ang pagpapalibing sa kanyang lola. Magnifico din ang choice ko for best picture. Limang beses ko na itong napanood at everytime na lang, naaapektuhan pa rin ako ng pelikula. Tiyak na marami pang kasunod na parangal na makukuha si Jiro.

Kapwa mahusay sina Hilda Koronel at Victor Neri para sa kani-kanilang pelikula. At siyempre, dahil best picture ang Magnifico, best director din si Maryo J. delos Reyes.

Unanimous choice ko si Bea Alonzo for best new movie actress para sa pelikulang My First Romance. Si Mikel Campos ang naging mahigpit na kalaban ni Oyo Boy Sotto para sa best new movie actor.

Gusto kong batiin si Julie Bonifacio at ang buong pamunuan ng PMPC na bagamat inulan ng problema nitong nagdaang taon, they managed to pull it off. Syempre, sa butihing editor ko – si Veronica Samio na isang honorary member at past president ng PMPC.
* * *
It took Star Cinema two weeks para ma-set ang blowout party para sa pelikulang Milan. Ang schedule nina Claudine Barretto at at Piolo Pascual ang dahilan kung bakit hindi ito matuluy-tuloy. Napaka-tight ng schedule ng dalawa ngayon. Si Piolo, sunud-sunod din ang taping niya for Mangarap Ka. Si Claudine naman, thrice a week ang taping for Marina.

But finally, last Friday ay natuloy na ito.

Ginanap ito sa main bar ng Quezon City Sports Club along E. Rodriguez Avenue. Maagang dumating sina Piolo at Claudine. Sinalubong sila nina Star Cinema Managing Director Malu Santos, Talent Center lady boss Mariole Alberto at Direktor Olive Lamasan.

Naging emotional ang lahat when it was time for them na magsalita. Walang pinalampas na pagkakataon si Claudine na pasalamatan ang lahat ng taong sumuporta sa kanya through the years.

"During the lowest point in my life, I saw the support and love of Tita Malu, Inang (Olive Lamasan) and the whole Star Cinema. Hindi n’yo ako iniwan. Hindi ko ’yun makakalimutan – never! Thank you also for giving me the best movies that every actress would aspire for," sabi ni Claudine.

Nag-reminisce naman si Piolo noong early days ng kanyang TV career. Hindi raw niya makakalimutan, ’yung unang pinagsamahan nila ni Olive Lamasan, ang Sa Sandaling Kailangan Kita.

"She really brings out the best in me," says Piolo. Kung hindi siguro kay Inang, I would not have become the actor that I am now."

Present din sa party ang ilang taong involved sa Milan, tulad nina Tess Fuentes, Elma Medua, Zel Samson-Martinez, Roxy Liquigan, Cathy Garcia-Molina, Raymund Lee, Shane Sarte-Clemente at Nuel Naval na ginu-groom ngayon ng ABS-CBN at Star Cinema para maging isang full-fledged TV and movie director.

Present din ang iba pang cast members ’tulad nina Ilonah Jean, Cecille Paz at Pia Moran na naluha dahil after 10 years daw, muli siyang nagkaroon ng pelikula.
* * *
After Kristine Hermosa, si Heart Evangelista ang kinuhang celebrity model ng ABE College of Business & Accountancy. Kamakailan ay iprinesent si Heart sa press to announce her new endorsement.

Enrolled si Heart sa ABE sa isang special course on hotel & restaurant management. She is attending classes in ABE Makati campus.

"In line with my family’s business. Gusto ko talagang magkaroon ng knowledge about managing restaurant," sabi nito.

Very proud naman ang ABE management kay Heart.

"More than her being a nice girl, she really’s a good endorser. Her image epitomizes our school’s image," says ABE Chief Operating officer Raymundo Reyes.

Ini-announce din ng ABE na ongoing na ang enrolment sa kanilang 24 campuses nationwide.

Ang ABE College of Business & Accountancy ay sister school ng prestihiyosong AMA Computer University.

ABE

AIAI

ANG TANGING INA

BEST

CLAUDINE

COLLEGE OF BUSINESS

OLIVE LAMASAN

PIOLO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with