Although naunang ikinasal sina Jules Ledesma at Assunta sa civil rites na ginanap sa hacienda ng mga Ledesma sa San Carlos City, Negros Occidental, wala nang mahihiling pa ngayon si Assunta dahil may basbas na rin ang simbahan sa kanilang pagsasama ngayon bilang mag-asawa.
Ayon na rin kay Manay Ichu, ang kanyang mga anak ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay napanatili nila ng kanyang dating mister ang magandang samahan. Blessed with 10 grandchildren, si Manay Ichu ay hindi pa rin nagkakait ng tulong at suporta sa kanyang dating mister lalo na ngayon na itoy muling kandidato sa pagka-senador. Nariyan pa ang dalawa nilang anak na parehong reeleksyonista - sina Erwin at Edward. Sa totoo lang, napaka-swerte ni Manong Ernie na kahit hiwalay na sila ni Manay Ichu ay nakahanda pa rin itong sumuporta at tumulong sa kanya lalo na sa kanyang kandidatura lalo na pat alam naman ni Manay Ichu ang kakayahan ng kanyang dating mister pagdating sa serbisyo publiko na mahigit apat na dekada na niyang ginagawa. Isang malaking asset si Manong Ernie kapag itoy nabalik sa senado dahil bukod sa kanyang malawak na kaalaman, ito rin ang tagapagbantay ng mga katiwalian sa gobyerno.
Samantala, una naming nakadaupang-palad si Congressman Erwin Maceda nang kamiy minsang maimbitahan ni Manay Ichu sa fiesta ng Pagsanjan, Laguna.
Si Erwin ay may asawa na, si Anna Rosario-Maceda at meron na silang tatlong malulusog na anak - sina Jamie (5), Antonia (4) at ang limang buwang taong gulang na sanggol na si Samantha. Kung ang public service ay minana nila sa kanilang amang si Manong Ernie, ang pagiging ma-PR naman sa kanilang inang si Manay Ichu.
Ayon kay Direk Joyce, may talent umano sa pag-arte si Rudy at kung nanaisin nitong magpatuloy ng pag-aartista ay marami itong patataubin na mas beterano na sa pag-arte. Ang problema nga lamang, hindi pa siya magaling magsalita ng Tagalog. Sa totoo lang, marami ang inggit na inggit kay Rufa Mae sa pagkakaroon ng kasintahan tulad ni Rudy dahil bukod sa itoy gwapo, super bait pa umano ito at magiliw sa pamilya ni Rufa Mae.
Samantala, personal na pinabulaanan ni Rudy na may balak na umano silang magpakasal ni Rufa Mae dahil pareho pa umano silang hindi handa dahil pareho pa silang busy sa kanyang respective careers. Pero naipakilala na ni Rudy si Rufa Mae sa kanyang pamilya sa Amerika nang magbakasyon ang mga ito doon nung nakaraang Disyembre for the Christmas holidays.