Si Marivic ay caught in the act na nagbibenta ng Videogram Regulatory Board ng mga pirated video and audio goods last December 27, 2002 nang magkaroon ang VRB ng inspection operation sa Sta Cruz, Manila.
Convicted din sina Joshua Chen, Lee Hookbeng, Johan Ang, Yang Zhu Sy, Weng Jiong, Kin Diang y Ang, William Tan y Co and Ong Wen San matapos silang makuhanan ng replicating machine sa isang warehouse located at the corner of Omega Ext. and Lambada St., Don Pedro Subd., First Malinta Industrial Complex, Rincon, Valenzuela City na na-discover ng mga operatives ng VRB. Immediately, nag-apply agad sila ng search warrant kay Judge Floro Alejo, Executive Judge of Valenzuela City na agad nag-issue ng search warrant.
Nag-raid agad ang grupo ng VRB kung saan nila na-discover ang three lines of Kraus Maffie Injection machines, one hanky CD printer and accessories na may approximate value na one hundred million pesos (P100,000,000.00). Nakakuha rin ang VRB operatives ng various videogram stampers as well as finished videogram products.
Agad silang kinasuhan at na-prove na guilty beyond reasonable doubt and as principal suspect - violation of Sec. 6 of P.D. 1987. Bilang parusa, bawat isa sa kanila suffer the penalty of three months and one day of arrest at lahat sila ay magbabayad ng P50,000 with subsidiary imprisonment in case of insolvency.
Ang mga nakuha sa kanilang machine as well as other paraphernalia used in illegal reproduction and disposition of pirated videogram nakuha sa kanila in violation ng Sec. 6 of P.D. 1987 ay forfeited in favor of the government and to be disposed in accordance with law.
Ganoon din ang punishment na natanggap nina Jiang Ming Zhi, Huang Shang Ti and Zheng Huo Yan na nahulihan din ng replicating plant sa area din ng Valenzuela, 9-B G. Marcelo St., Maysan, Valenzuela City.
Na-discover ng member ng Bureau of Fire Protection ng Valenzuela ang nasabing planta. Nakuha sa planta ang two lines Kraus Maffei Injection Moulding Machines, one Hanky printer and assorted pirated goods approximately 50,000,000).
Siguradong pag nalaman ng mga namimirata na seryoso ang VRB headed by Edu Manzano sa kanilang kampanya na tapusin na ang masasayang araw ng mga magnanakaw na to manufacturer ng mga pirated audio and video goods na isa sa mga rason kung bakit halos madalang pa sa patak ng ulan ang mga pelikulang pinalalabas sa kasalukuyan, matatakot sila.
Actually, its about time para maka-recover na ang industriya ng pelikula sa bansa. Imagine nga naman, may mga pelikulang hindi pa napapalabas pero nagkalat na pala sa Quiapo ang pirated copy.
Isa sa may ganitong kaso ang soon to be shown movie ng superstar na si Nora Aunor entitled Naglalayag. May isang nagkuwento na may pirated copy na raw ito sa Quiapo.
First movie ito supposedly ni Ate Guy after niyang magpahinga ng matagal-tagal. Tapos hindi pa man napapalabas, na-pirate na. Available in pirated copies sa halagang P35. Ngayon, sino pa nga ang manonood non kung buong pamilya mo ay mapapanood ang P35.00 na pirated copy. Eh pag nanood ka ngayon ng sine, malaki-laki rin ang magagastos mo.
Well, sana nga magkaroon ng kahit konting apprehension ang mga namimirata ngayong marami nang nakulong. Matakot na sana sila.
Sa part naman ng VRB, sinabi ni Edu na hindi sila titigil para bantayan ang piracy sa bansa. "Wala kaming sasantuhin," he said.
Kasama sa binabantayan ngayon ng VRB ang isang film outfit na umanoy involve sa pamimirata.
Itinatago raw ng actress ang anak. Pero kung anu-ano raw rason ang sinasabi ng actress everytime na may magtatanong tungol sa anak niya.
Consistent ang tsismis tungkol sa anak ng aktres.