Si Aliya at ang "Salamat Po,Doktor" niya

Maaaring hindi pa pamilyar sa inyo ang pangalan niyang Aliya Martel. Iisa pa kasi ang pelikula niya, ang Langit Mo, Kaligayahan Ko where she shares top billing with Rajah Montero. Pero, sigurado ako na kapag narinig mo ang pangalang Glorietta Magdalo, bigla ang flashback sa ‘yo ng eksenang Oakwood mutiny.

Kailan lamang naganap yun pero, sa atin sa showbiz it looks like a million years away. Had Aliya stuck to her former name, bakit limot na rin siya, tulad ng pangyayaring sinasagisag ng kanyang pangalan?

Kaya nga napaka-wise ng decision ng kanyang manager na si Allen Cruz na palitan ang kanyang pangalan from Glorietta Magdalo to Aliya Martel. Kasama sa pagbabagong ito ang pagpapalit din ng image. Kung dati ay patungo sa pagiging bold star ang landas niyang tinatahak, gusto niya ngayong makilala hindi lamang bilang isang seksing artista kundi bilang isa ring mahusay na musical performer.

Kumakanta si Aliya. Marunong din siyang sumayaw. Ang mga talino niyang ito ang hinahangaan nang magkaroon siya ng solo show sa Bodega, kamakailan lamang. And at a time when only the small independent movie producers make movies dahil ang mga malalaking movie producers ay gustong gumawa lamang ng pelikula para sa mga film festival (Manila & Metro Manila Film Festivals) may bentahe na si Aliya. Kung ang movie assignments ay kasing dalang na ng patak ng ulan at lima sampera ang bold stars, may iba siyang mapagkukunan ng ikabubuhay – ang pagkanta. Napakarami ng mga lounges, bars, concert stage o maski na yung mga stage na mabilis itayo at mabilis ring alisin sa mga pistahan sa probinsya na pwede niyang tayuan at kantahan. Mabilis pa ang bayaran, di tulad ng pelikula na matagal nang naipalabas ay di pa nakakasingil ang artista.

Maswerte si Aliya na isinilang siyang maganda at may talino. Maganda rin ang kanyang katawan na bentahe para sa isang nag-aartista sa pelikula at kumakanta.

Kaya nga marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit kailangan pa niyang sumailalim sa kamay ng isang cosmetic surgeon na gaya ni Dr. Roberto C. Cuerpo, ispesyalista sa General Surgery, Cosmetic, Reconstructive at Hand Surgery.

Si Dr. Bobby na tawag sa doktor ng mga kaibigan niya ay resident cosmetic surgeon ni Elvie Pineda, ng Elvie’s Beauty Care Center, palaging handa anumang oras na kailangan nito ang serbisyo niya bagaman at may sarili itong klinika where his numerous patients and clients see him, tulad ni Aliya. Ito ang Surgiderm Cosmetic Surgery & Skin Clinic, isang out patient medico surgical clinic na may US standard quality at state-of-the-art techniques.

Nakapagtapos si Dr. Bobby ng kanyang pagdu-doktor sa UST, isa siyang general surgeon na kumuha ng sub-specialty training in plastic cosmetic surgery sa USA.

Hindi ikinahihiya ni Aliya na sabihin na isa siyang "Salamat Po, Doktor" beauty. Bagaman at hindi naman siya yung "ugly duckling who turned into a swan" mas gumanda siya nang bigyan siya ni Dr. Cuerpo ng noselift. Ginawan din siya nito ng lipo dissolve para mawala ang mga bilbil niya sa paligid ng kanyang bewang at sa puson. Ngayon, regular nang inaalagaan ng doktor ang kanyang balat. At sa malas, ay hiyang siya sa pag-aalaga nito dahil marami ang naiinggit sa kanyang flawless skin.

Hindi mura ang alagaan ng isang skin doctor, lalo’t isa itong siruhano. Para hindi gaanong maging mabigat sa bulsa ni Aliya ang gastos, tinanggap niya ang alok ni Dr. Bobby na maging image model nito. Siya ang kauna-unang official image model and endorser ng isang cosmetic surgeon.

In the very near future, balak ding magpa-breast augmentation ni Aliya. Feel niya, maliit pa ang breast niya kahit pa ang sukat ng kanyang katawan ay 34-25-35.

Hindi lamang naman ang pisikal niyang kaanyuan ang ini-improve ni Aliya. Dumaan na siya sa mga acting workshops. Kumuha na rin siya ng voice and dance lessons. Wala talaga siyang pinalalampas para mapaunlad ang kanyang craft.

"The competition is so stiff. I cannot leave my fate to chance," anang isa sa kakaunti nating sexy star na nakakapagsalita ng matuwid at tamang Ingles.—Veronica R. Samio

Show comments