Jules tinupad ang pangarap na kasal ni Assunta

Tinupad ni Cong. Jules Ledesma ang dream wedding ni Assunta de Rossi — ala-Princess Diana - sa kanilang church wedding last Sunday night sa Santuario de San Antonio in Forbes Park, Makati. Either outer space wedding or ala-Princess Diana ang pangarap ni Assunta since bata siya na nabasa ni Jules sa isang magazine during the time na nag-start pa lang siyang manligaw sa actress.

Suot ni Assunta ang creation ng international famous designer na si Vera Wang na pinili ng mag-asawa sa mga catalogue of designs ni Vera na personal nilang pinuntahan ang shop sa New York.

Simple lang ang gown yet elegant- ivory strapless with a princess cut na almost patterned sa wedding gown ng mommy ni Jules na si Mrs. Conchita Ledesma - na-display sa isang retrospective ni Ramon Valera sa National Museum.

Si Rhett Eala ang gumawa ng bride's veil at si Jimmy Choo ang nag-provide ng shoes.

Gamit ni Assunta ang necklace with 400 pieces of diamonds and bangle earrings na diamond din. Nag-spark ang necklace habang naglalakad siya sa aisle.

Cong. Ledesma’s suit, a silver black brocade ng New York-based na si Liana Lee ang ginamit niya sa church. Nag-change ng suit ang congressman sa reception.

Wala nang problema sa pamilya ni Assunta. Present na lahat - kasamang dumating ang father niyang si Luigi, sisters Margharet and Isabel and her mom Nanette.

Kasama sa principal sponsors si Pres. Gloria Macapagal-Arroyo with House Speaker Jose de Venecia together with other principal sponsors — Mr. Jose Mari Chan and Mrs. Teresa Oben; Mr. Manuel Pangilinan and Ms. Marichu Maceda; Mr. Oscar Lopez and Mrs. Amparo Gustilo; Dr. George Ty and Mrs. Lucia Tan, Ambassador Eduardo Cojuangco Jr. and Ms. Imelda Cojuangco.

Bestmen sina Rep. Carlos Cojuangco and Julio Carlos Tomas Ledesma (Jules’ son). Maids of Honor sina Alessandra de Rossi and Ms. Christina Victoria Ledesma ang bridesmaids ay sina Ciara Sotto, Claudine Barretto, Rica Peralejo and Nikki Valdez.

Secondary sponsors sina Mr. And Mrs. Manuel Lopez (candle), Gretchen Barretto (veil), Mr. And Mrs. Aga Muhlach (cord). Ring bearer si Juan Miguel Claparols, coin bearer si John Michael Arenas. Si John Martin Francis Arenas ang Bible bearer. Isang antique Bible ang ginamit sa church. According to Assunta, gift ‘yun ng isang German friend nilang mag-asawa na nakilala nila thru internet kung saan binili nila ni Jules ang gamit na bridal car ni Assunta.

A week before the wedding nang dumating ang brown Mercedez from the US na special edition — vintage car na according to a source ay may 200 units lang ang ganoong klase ng kotse.

In any case, after ng nuptial rites, nang magki-kiss na sa bride si Jules, nag-enjoy ang lahat dahil hindi matanggal ni Cong. Jules ang veil ni Assunta dahil nga mas matangkad ang actress. So nag-bend siya ng knees para maabot ni Jules.

Si Nolyn Cabahug ang nag-provide ng music sa church at si Ciara Sotto ang kumanta ng "The Prayer."

Sa Makati Shangri-La ang reception — Rizal ballroom na puno ng iba’t ibang flowers from Holland and other local variants — tulips, forsythie, daffodils, orange roses among others arranged by Robert Blancaflor of 1816.

At ang menu: garden greens with carrots, cherry tomato and balsamic reduction for the salad, pumpkin cream soap with spiced shrimps, grilled salmon steak with butter, spaghetti and tomato pesto sauce for the appetizer, dalandan sherbet, grilled US tenderloin with garlic mash, root vegetables, asparagus spears and black truffle sauce. Surprise ang dessert — selection of dessert, all kind of dessert and champagne all over the reception.

Hindi na dumating si Pres. Arroyo sa reception.

Nang magkaroon kami ng chance na maka-usap ang mother ni Assunta, touch na touch siya nang tawagin siyang "mama" ni Jules. "Pag binigay mo sa Diyos matatanggap mo rin," she adds.

Matagal-tagal din bago na-accept ng mother ni Assunta si Jules bilang manugang. But during the wedding, one big family sila.

Ayaw i-reveal ni Jules kung magkano ang nagastos nila sa wedding.

But according to some observer, sa gown pa lang, almost P 3 to 4 million na ang gastos ng mag-asawa sa suot pa lang nila.

Two years ago nang magpakasal ang dalawa sa civil rites sa hometown ni Jules sa San Carlos City in Negros Occidental.

Two to three kids ang plano nilang mag-asawa.

Show comments