Nilinaw ni Vina ang balitang tinanggihan niya ang role dahil sa pagiging maskulado niya.
Effective ang performance nito bilang anak ni Jackielou Blanco sa Ang Iibigin Ay Ikaw kung saan may pagka-mataray ang role niya. Kaya naman lagi itong nabibigyan ng teleserye ng GMA 7. May nag-suggest na kung magpapa-sexy ito ay madali siyang makakagawa ng malaking pangalan. Tutal bukod sa magandang mukha ay sexy din ang kanyang pangangatawan.
Regular co-host ni Kuya Germs si Sharmaine sa Master Showman Presents.
Napag-alaman namin na mayroon palang superdatung na manliligaw na businessman na talagang nababaliw sa kagandahan ni Tracy. "Pero no monkey business bastat ini-entertain namin ang manliligaw dahil mabuti naman siyang tao," sey ni Ed.
Bukod sa business, abala ang aktres sa mga out-of-town shows at ramp modeling. Isa siya sa napiling 100 sexiest stars ng FHM calendar.
Nun, kapag mayroong hindi nagustuhan sa script ay nag-iiba ang mood ni Raymart. Pero, ngayon ay palaging malamig ang ulo niya. Nagsimula ito nang matagpuan niya ang babaeng ihahatid niya sa altar. May pagka-palikero rin noon si Raymart pero nang maging nobya si Claudine ay hindi na ito naghanap pa ng iba.
Balak magpakasal ng dalawa sa July 20, 2006 at sabay nilang isiselebrayt ang kanilang birthday, twenty seven years old na si Claudine at 33 naman si Raymart.
Noong una ay gusto ni Claudine na sa isang beach sa Cebu idaos ang kasalan pero ngayon ay na-realize nito na mas solemn kapag magpapakasal sa simbahan.
"Akala nga ng iba ay nasa Amerika na ako at doon na namamalagi pero, narito pa rin ako sa bansa at inaasikaso ang aking negosyo na talent promotions agency na nagpapadala ng talent sa Japan. Nagma-manage na rin ako, alaga ko ang isang baguhang myembro ng Viva Hot Babes. Bastat may magandang offer ay tatanggapin ko ito," aniya.
Pero may ibang bersyon si direk kung bakit kinagagalitan niya ang aktor. Madalas daw kasing nawawala ito sa set dahil dinadalaw nito ng palihim ang kanyang girlfriend.
Ang young actor ay magaling umarte at myembro ng isang programang pangkabataan.