Dating winner, winner ulit

Pagkatapos manalo ng kauna-unahang multi-media songwriting contest ng ABS-CBN, ang Himig Handog sa Bayaning Pilipino, nagbalik na naman bilang Grand Prize Winner ng Himig Handog Love Songs si Arnel de Pano para sa kanyang entry, ang "Kailan Kita Mamahalin".

Di gaya ng kanyang "Si Ka Bayani", na sinulat ni Arnel kasama ni Soc Villanueva, ang "Kailan Kita Mamahalin" ay solong entry ni Arnel. Ang bagong diva na si Anna Fegi ang umawit ng "Kailan Kita Mamahalin", na available ngayon sa Himig Handog Love Songs CDs at cassettes mula sa Star Records. Nanalo rin ang kanta ng Listener’s Choice award sa taong ito.

Masaya rin ang Himig Handog Finals Night para sa ibang malalaking winners ng gabi. Ang rock band na Aegis ay nanalo bilang Best Interpreter sa kanilang version ng "Narito Lang Ako", na entry ng composer na si Chona Borromeo. Ang baguhang composer naman na si Marc Bryan Adona ay doble ang kaligayahan, dahil nanalo ang kanyang kanta na "Maibabalik Ko Ba" ng Buyer’s Choice at Texter’s Choice awards. Ang "Maibabalik Ko Ba" ay inawit naman ni Michael "Josh" Santana.

Show comments