Si Aiai delas Alas ang nanalong best actress para sa pelikulang Ang Tanging Ina ng Star Cinema. Ito ang second award ni Aiai para sa nasabing pelikula. Nauna na siyang pinarangalan ng Gawad Tanglaw na iniyakan ni Aiai. Yun kasi ang kauna-unahang award na natanggap ni Aiai sa kanyang mahabang panahon sa showbiz. Kaya mako-consider na pangalawang award na ibinigay ng PMPC sa komedyante na kilala ring magaling na host.
Pero nang tanggapin niya ang second best actress trophy sa Star Awards, hindi pa rin napigilan ni Aiai na umiyak.
Ang child actor na si Jiro Manio ang nanalong best actor para sa pelikulang Magnifico na nauna nang pinarangalan sa Berlin Film Festival at sa ibat iba pang international filmfest. Ang nasabi ring pelikula ang nanalong best picture na napanalunan din ni Direk Maryo J. delos Reyes bilang best director.
Best supporting actress naman si Hilda Koronel para sa pelikulang Crying Ladies samantalang si Victor Neri ang nag-uwi ng best supporting actor trophy. Wala si Hilda Koronel para personal na tanggapin ang award.
Tumanggap ng Ulirang Artista Award ang movie queen na si Ms. Susan Roces.
Anyway, marami namang naintriga at nag-isip nang sabihin ni Ogie Alcasid sa kanyang acceptance speech for original theme song (Pangarap Kong Ibigin Ka) na dinidi-dicate niya ang trophy sa kanyang family na hindi niya na-mention ang mga names. Pero pagdating kay Regine sinabi niyang, "to Regine, my sparing partner." Si Regine ang interpreter ng nanalong song.
"Ang dali-dali namang i-mention ng Michelle, Leila, bakit hindi niya na mention?" comment ng isang nanood ng show sa Teatro Aguinaldo.
Hindi rin daw itinatago nina Ara Mina and Jomari Yllana ang kanilang relasyon as in open na ang sweetness nila nang sabay silang dumating sa venue dahil nga nominated si Ara for best actress.
Mas maayos ang Star Awards for Movies na dinirek ni Lino Cayetano. "Iba talaga pag bata ang nagdi-direk, bago ang approach," comment ng isang observer.
Kaya lang, ang medyo naging problema ay ang mga fans daw na hindi na-control ang kanilang emotion para sa kanilang mga idolo. Wala raw ginawa ang mga ito sa loob ng venue kundi ang makipag-sigawan. "Sayang kasi ang ganda na sana, yun nga lang sobrang ingay ng fans," sabi ng isang observer. Salve V. Asis