Claudine,masungkit kaya ng ABC 5?
March 14, 2004 | 12:00am
Tailor-made para kay Jolina Magdangal ang hosting job sa bagong StarStruck Kids. Sisimulan ang bagong reality based talent search for children ng GMA sa Sabado, Marso 20.
Ang mababakanteng slot ng Search For A Star ang bigay sa Starstruck Kids. Nagkaroon na ng grand finals kahapon ang dating show at hindi na nag-renew ng contract ang Viva Television with GMA. Di pa tiyak kung saan lilipat ang palabas na nagpasikat kay Sarah Geronimo.
Madalas nang ipakita ang mga batang unang sasabak sa StarStruck Kids. Lahat sila mukhang may ibubuga at mukhang maaring mag-artista. Iba na talaga ang sibol ng mga bata ngayon. Mga bibong-bibo na sa mga murang edad.
Pag-ariba ng StarStruck Kids, inaasahan naman na higit na darami ang mga stage mothers. Normal lang kasi na palaging kasama ang kanilang mga magulang ng mga batang ito. Kaya hindi maiiwasan ang mga pasikatan, patutsadahan, at ibat ibang iringan sa mga inang ang feeling ay ang anak nila ang siyang pinakamahusay at pinakamaganda.
Kahit naman kay Jolina Magdangal maaring nangyari rin ang ganitong karanasan. Nagsimula siya bilang isang child performer. Nagkaroon pa ng maraming shows at recording si Jolens noong bata pa.
Kaya naman bagay na bagay sa kanya ang maging host ng StarStruck Kids. Tiyak na maka-relate siya sa mga tsikiting na unang sasabak sa showbiz ngayon.
Noon ngang bata pa si Jolens, normal din na maging chaperon niya ang kanyang protective mama. Nakasabayan naman niya ang noon ay bata pa ring si Rica Peralejo with her own mom in tow.
Kung meron mang naging controversial na sabayan ng mga child entertainers noon, ito na ang kina Jolina at Rica. Hanggang ngayon nga, tila hindi pa nawawala ang friction sa dalawang grupo.
Kung sino ang higit na naging successful, ang publiko na talaga ang humatol.
Mukhang mawawala na ang speculations tungkol sa paglipat ni Mike Enriquez sa ABC 5. Nakapirma na kasi ng bagong contract with GMA ang multi-awarded broadcaster.
Ibig sabihin, natapos na rin ang ligawan at mga negotiations between ABC 5 and Mike Enriquez. Akala pa naman ng marami, matutuloy din ang gagawing lipatan.
Sa kanyang bagong kontrata, isang higit na malaking news program ang bigay kay Mike Enriquez 24 Oras na co-anchor niya si Mel Tiangco.
Ang 24 Oras ang ipapalit sa Front Page na pang-ala-6 ng gabing news show ng GMA 7. Sabi ng mga taga-News & Public Affairs department ng network, higit na pinalawak ang scope ng GMA. Gagamitan pa nila ng mga bagong state-of-the-art equipment ang programa.
Sa ganitong paraan, higit na mabilis, accurate at maiinit ang ihahatid na balita ng 24 Oras.
Sabi pa ng ilang bubuo ng news program, very contemporary ang magiging approach at treatment at gagawin nila ang lahat to achieve world-class quality sa 24 Oras.
May nakapagbulong pa sa akin na isang taon lang ang contract na pinirmahan ni Mike Enriquez sa GMA.
Ibig kayang sabihin nito ay maari pang magbago ang isip niya pagkatapos ng bagong kontrata?
Ang ABC 5 kasi medyo magulo pa sa ngayon. Normal lang kasi ito dahil nasa organizational process pa sila. Marami pang dapat ayusin sa ibat ibang departments ng upcoming giant network.
Naisip ko tuloy na baka naman Mike Enriquez is taking his time. Hindi siya masyadong nagmamadali. Tutal maikli at mabilis lang naman matatapos ang isang taon.
Baka naman kapag ayos na ayos na ang lahat sa Channel 5, doon na siya talaga gagawa ng kanyang strategic career move.
Hanggang hindi talaga well-organized at well-settled ang lahat sa ABC 5, hindi pa nating masasabi kung sinu-sino sa magkabilang ABS-CBN at GMA ang maglilipatan doon.
Ang balita pa ay marami ng mga technical staff sa isang network na nagsipag-resign na at nandun na sa kanilang bagong bahay.
Ang isa pang pinakaaabangan ay si Claudine Barretto. Matunog kasi ang usapan na hindi na magri-renew ng contract niya sa Channel 2 ang batang kapatid ni Gretchen.
Huling palabas na kaya niya ang Marina? Ito pa naman ang toprated sa Dos ngayon.
Ang mababakanteng slot ng Search For A Star ang bigay sa Starstruck Kids. Nagkaroon na ng grand finals kahapon ang dating show at hindi na nag-renew ng contract ang Viva Television with GMA. Di pa tiyak kung saan lilipat ang palabas na nagpasikat kay Sarah Geronimo.
Madalas nang ipakita ang mga batang unang sasabak sa StarStruck Kids. Lahat sila mukhang may ibubuga at mukhang maaring mag-artista. Iba na talaga ang sibol ng mga bata ngayon. Mga bibong-bibo na sa mga murang edad.
Pag-ariba ng StarStruck Kids, inaasahan naman na higit na darami ang mga stage mothers. Normal lang kasi na palaging kasama ang kanilang mga magulang ng mga batang ito. Kaya hindi maiiwasan ang mga pasikatan, patutsadahan, at ibat ibang iringan sa mga inang ang feeling ay ang anak nila ang siyang pinakamahusay at pinakamaganda.
Kahit naman kay Jolina Magdangal maaring nangyari rin ang ganitong karanasan. Nagsimula siya bilang isang child performer. Nagkaroon pa ng maraming shows at recording si Jolens noong bata pa.
Kaya naman bagay na bagay sa kanya ang maging host ng StarStruck Kids. Tiyak na maka-relate siya sa mga tsikiting na unang sasabak sa showbiz ngayon.
Noon ngang bata pa si Jolens, normal din na maging chaperon niya ang kanyang protective mama. Nakasabayan naman niya ang noon ay bata pa ring si Rica Peralejo with her own mom in tow.
Kung meron mang naging controversial na sabayan ng mga child entertainers noon, ito na ang kina Jolina at Rica. Hanggang ngayon nga, tila hindi pa nawawala ang friction sa dalawang grupo.
Kung sino ang higit na naging successful, ang publiko na talaga ang humatol.
Ibig sabihin, natapos na rin ang ligawan at mga negotiations between ABC 5 and Mike Enriquez. Akala pa naman ng marami, matutuloy din ang gagawing lipatan.
Sa kanyang bagong kontrata, isang higit na malaking news program ang bigay kay Mike Enriquez 24 Oras na co-anchor niya si Mel Tiangco.
Ang 24 Oras ang ipapalit sa Front Page na pang-ala-6 ng gabing news show ng GMA 7. Sabi ng mga taga-News & Public Affairs department ng network, higit na pinalawak ang scope ng GMA. Gagamitan pa nila ng mga bagong state-of-the-art equipment ang programa.
Sa ganitong paraan, higit na mabilis, accurate at maiinit ang ihahatid na balita ng 24 Oras.
Sabi pa ng ilang bubuo ng news program, very contemporary ang magiging approach at treatment at gagawin nila ang lahat to achieve world-class quality sa 24 Oras.
Ibig kayang sabihin nito ay maari pang magbago ang isip niya pagkatapos ng bagong kontrata?
Ang ABC 5 kasi medyo magulo pa sa ngayon. Normal lang kasi ito dahil nasa organizational process pa sila. Marami pang dapat ayusin sa ibat ibang departments ng upcoming giant network.
Naisip ko tuloy na baka naman Mike Enriquez is taking his time. Hindi siya masyadong nagmamadali. Tutal maikli at mabilis lang naman matatapos ang isang taon.
Baka naman kapag ayos na ayos na ang lahat sa Channel 5, doon na siya talaga gagawa ng kanyang strategic career move.
Ang balita pa ay marami ng mga technical staff sa isang network na nagsipag-resign na at nandun na sa kanilang bagong bahay.
Huling palabas na kaya niya ang Marina? Ito pa naman ang toprated sa Dos ngayon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am