May/December marriage ni Nikka Ruiz

Isang dating myembro ng That’s Entertainment si Nikka Ruiz. Maganda, may talento sa pag-arte, pagsasayaw at maging sa pagkanta. At napaka-taas. At the time na nasa That’s siya ay parang 11 years old pa lamang siya pero isa na siya sa pinaka-matangkad sa grupo ng mga babae. Marami siyang nagawang movie sa Viva Films na ang role ay kadalasan ay kaibigan o kabarkada ng bida na di hamak na mas matanda sa kanya pero, dahilan nga sa matangkad siya kung kaya hindi siya naging alangan sa mga naging roles niya.

Isa nang maybahay ngayon si Nikka at ina ng isang magtatatlong taon na batang lalaki, si Floyd Alvin Anthony. Ikinasal siya nung Disyembre 17, 2001 kay Alvin Alvincent Almirante, chairman at president ng Ang Bagong Lahing Pilipino na merong mga 25 milyong kasapi.

May dalawang libong scholars ito, mga mag-aaral ng Computer Science at Restaurant Management. Si Alvin na tumatakbong senador ngayon ay isang tagahanga at supporter ni FPJ. Battlecry niya ang: "Home For the Homeless", "Land For the Landless" at "Full Economic Recovery".

Unang nakita ni Alvin si Nikka nung taong 1999 sa Sacrificial Valley pero makaraan pa ang isang taon bago sila nagkakilala. "Seventeen lang si Nikka nun. Na-develop ang love namin sa paglipas ng panahon. Mahirap mag-adjust sa isang batang asawa. Madalas, ako ang naggi-give way," ani Alvin na nag-iisang Pinoy na nakapag-aral sa Isle of Man (I.O.M.) sa London, England ng kursong Business Management.

Anim na taon siya sa London at naging matalik na kaibigan ni Prince Edward ng London.

May Ph.D si Alvin sa Strategic Mission sa UP, BS in Economics sa Zamboanga AE Colleges at San Sebastian.
* * *
Kahit pa ano ang sabihin, hindi pa rin kumukupas ang ilusyon at pantasya ng mga kalalakihan kay Maye Tongco. Ayaw nga nilang maniwala na patambay-tambay na lamang ito ngayon sa mga music lounges at bars sa Kamaynilaan. Naniniwala sila na ang kanilang mala-diyosang sinasamba ay nakaluklok pa rin sa kanyang trono ng pagnanasang inaabot ng sinumang lalaki.

Sa bago niyang pelikula na pinamagatang
Karibal, iniba ng writer at direktor ang karakter ni Maye. Ginawa siyang matapang at hindi api-apihan. Ang hindi lamang iniba ay ang pagiging game niya at mapagbigay lalo na sa paggawa ng mga maiinit na eksena at pagbibilad ng katawan.

Kasama ni Maye sa
Karibal sina Kat de Santos, Mark Dionisio at Ryan sa pinaka-bagong pelikula ng Vincent Films na palabas na sa Marso 24.
* * *
"Learn By Doing" ang tema ng ika-19th Mandy Navasero Summer Photoworkshop. Ilalagay ang mga estudyante sa practical working situations and bibigyan sila ng organized instruction materials tungkol sa aspects of photography na magagamit nila sa kanilang trabaho.

Ang photoworkshop ay may seven weeks topics tungkol sa camera operations para sa 35mm, SLR at digital na gagamitin ng mga mag-aaral sa workshop; basic principle of light; exposure, how to develop your eye, lenses and glossaries, photography as composition at tips para sa mga nagsisimulang potograpo. Bibigyan ang mga mag-aaral ng assignment at dadalhin sa out-of-town shoot, galleries at museums.

May lecture tuwing Sabado, 2-5PM. May orientation sa Abril 3 at magsisimula ang klase sa Abril 17-29. Bukas ang workshop sa lahat at dapat mayro’n silang sariling 35mm camera na napapalitan ang lente ng 105mm, 20mm, 28mm o digital cameras. Sa pagtatapos ng workshop, ipiprisinta ng mga participant ang kanilang trabaho sa isang photo exhibit cum graduation.

Ongoing na ang registration sa Rm 227 LRI Business Plaza, 210 Nicanor Garcia St, Bel air Village, Makati City. Tumawag sa 8991767 at 8963208,

Show comments