Mali pala ako dahil nag-iisa lamang ang iskwela ni Ryan na tinatawag niyang Ryan Cayabyab The Music Studio. Specialty nito ang pagdi-develop ng outstanding performance artist at ito ay matatagpuan lamang sa T-1B Sunvar Plaza, Arnaiz Ave. (dating Pasay Road) cr. Amorsolo St., Makati. Matatawagan ito sa 8432874/8443330. Ang ginang ni Ryan na si Emmy Cayabyab ang nagpapatakbo ay 17 taon nang in existence na iskwela at nakapag-train na ng mga singer-performer na ngayon ay kilala nang Filipino performing artists.
Isang Music grad din si Ms. Emmy ng UP major in Choral Conducting with honors. Nagtuturo siya ng mga koro at kasalukuyang conductor ng community choir Vox Lucis. Hinahawakan niya sa Ryan Cayabyab The Music Studio ang chorus classes at siya ring nagko-konsepto ng workshop, at recital sa iskwela. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang Masters Degree in Music in Choral Conducting sa UP din.
Nagbibigay ang Ryan Cayabyab The Music Studio ng Individual Instruction Courses para sa Regular Voice Lessons for children 13 years to adult at children 8-12 years old; Specialized Courses in Voice with Certificate of Completion; Vocal Proficiency Program, Vocal Therapy Sessions, Piano, Music Theory; Group Classes: Group Vocal Training; Chorus Class: Special Programs for Children gaya ng Suzuki Piano Lessons at Childrens Instrumental Ensemble, Vocal Performance Program for Professional Young Artists at Music and Movement.
Lahat ng kasali sa summer workshops, regular voice students at yung mga kumukuha ng Performance Exams ay may pagkakataon na makasama sa annual recital. At lahat ng pumapasa sa audition/ exam sa first quarter ay pwede ring sumali sa "theme" recitals na kung saan ay kilala ang Ryan Cayabyab The Music Studio. Ang annual recital na ginaganap tuwing huling linggo bago ang academic course ay magsisimula na sa Hunyo.
Itinanggi ng pamosong music director, composer at accompanist at sa kasalukuyan ay Executive and Artistic Director of the San Miguel Foundation of the Performing Arts na hindi siya ang bumuo ng mga kilalang grupong 14 K at Smokey Mountain. May nag-produce daw ng record para sa mga ito at ipinasok sila sa kanyang school para ma-train. Sa iskwela lamang daw niya sila nag-train.
Ang isa sa mga guro sa voice sa school ni Ryan na si Annie Nepomuceno ay kabilang sa grupong lll Of A Kind. Isang session vocalist si Annie. Her work includes the long running Hope commercial. Naging back up vocals siya ng maraming sikat na singers at vocal director at cast member ng Rama at Sita at One For The Soul ng SK Productions.
Isang mahusay na arranger din si Annie. Nakapag-areglo na siya para sa Philippine Madrigal Singers, The UP Concert Chorus, The UP Singing Ambassadors at Ateneo Glee Club. Naging Best Vocal Arranger siya ng Awit Award para sa "Wala Pa Rin", isang single ng lll Of A Kind at Katha Awards para sa awiting "Paalam Na". Naging nominee for Song of the Year at Best Dance Composition ang gawa niyang awiting "Tibok".
Nauna nang tinanggap ang mga individual bonuses para sa mga nanalong artista nung Gabi ng Parangal ng MMFF.
Sa launching din ng MMFF na ginanap sa Malacañang ay tumanggap na agad ang napiling 10 pelikula ng cash incentives na P100,000 each.
Obviously pagdating sa local movie industry, all out ang support ng Pangulo. Ang P50M ay incentive para maka-develop ng mga magagandang scripts na magagamit para sa mga ginaganap na Pista ng Pelikulang Pilipino. Hindi naman siya nabigo sapagkat magaganda lahat ng pelikula na ipinalabas sa ginanap na MMFF.