Ang nakakalungkot, may kwento pang namatay siyang mahirap at ni hindi nga makabili kahit na ng lubha niyang kailangang air pot, para lamang mayroon siyang mainit na tubig kung kailangan. Sa ngayon, hindi na nga kailangan ang air pot, dahil patay na rin naman siya. Pero kung iisipin, nakalulungkot ang sitwasyon ng mga artistang kagaya niya na namatay nang puro kahirapan ang naranasan bago namaalam.
Sa US at sa iba pang mga bansa na may concern sa mga artista at pelikula, isang bahagi ng kinikita ng mga pelikula mula sa box office ay inilalaan para sa artists welfare. Ibig sabihin, yon ay nagiging pondo para tulungan ang mga artistang inabot na ng paghihikahos. Dito sa atin, ultimong flood control isinama na sa binabayaran ng mga nanonood ng sine, pero walang ginawa para sa artists welfare.
Mayroong Mowelfund, pero iyan ay isang pribadong foundation at napakalimitado lang naman ng pondo niya saka yong barya-baryang nakukuha nila kung may film festival. Kasi nga napakalaki ng ginagastos nila sa film festival, masyadong magarbo pati ang mga meetings nilang ginaganap pa sa mga malalaking hotels, kaya nauubos ang kita at barya na lang ang natitira sa mga beneficiaries.
Iyang artists welfare ay isang bagay na kailangan nga siguro nating bigyang pansin. Hindi kasi habang panahon ay maraming pera ang mga artista. Paris ngayong matagal nang bagsak ang industriya ng pelikula at mukhang hindi pa makakabangon dahil lalo ngang nababaon sa pagbagsak ng halaga ng piso kontra sa dolyar na siya naman nilang ipinambibili ng raw materials na puro imported. Ano nga ba ang mangyayari sa mga artistang walang trabaho?
Pati religious movie talagang pina-pirate na nila ngayon.
Pero ngayon, posibleng may pambayad na yan dahil marami na naman daw nalolokong kandidato ang matandang showbiz gay na iyan.