^

PSN Showbiz

Komedyante namatay nang walang nakaalam

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Hindi na nga siya gaanong aktibo sa showbusiness, kaya nga siguro hindi na masyadong nabalita ang kanyang pagkamatay, pero yumao na pala ang komedyanteng si Rudy Manlapaz.

Ang nakakalungkot, may kwento pang namatay siyang mahirap at ni hindi nga makabili kahit na ng lubha niyang kailangang air pot, para lamang mayroon siyang mainit na tubig kung kailangan. Sa ngayon, hindi na nga kailangan ang air pot, dahil patay na rin naman siya. Pero kung iisipin, nakalulungkot ang sitwasyon ng mga artistang kagaya niya na namatay nang puro kahirapan ang naranasan bago namaalam.

Sa US at sa iba pang mga bansa na may concern sa mga artista at pelikula, isang bahagi ng kinikita ng mga pelikula mula sa box office ay inilalaan para sa artist’s welfare. Ibig sabihin, yon ay nagiging pondo para tulungan ang mga artistang inabot na ng paghihikahos. Dito sa atin, ultimong flood control isinama na sa binabayaran ng mga nanonood ng sine, pero walang ginawa para sa artist’s welfare.

Mayroong Mowelfund, pero iyan ay isang pribadong foundation at napakalimitado lang naman ng pondo niya saka ‘yong barya-baryang nakukuha nila kung may film festival. Kasi nga napakalaki ng ginagastos nila sa film festival, masyadong magarbo pati ang mga meetings nilang ginaganap pa sa mga malalaking hotels, kaya nauubos ang kita at barya na lang ang natitira sa mga beneficiaries.

Iyang artist’s welfare ay isang bagay na kailangan nga siguro nating bigyang pansin. Hindi kasi habang panahon ay maraming pera ang mga artista. Paris ngayong matagal nang bagsak ang industriya ng pelikula at mukhang hindi pa makakabangon dahil lalo ngang nababaon sa pagbagsak ng halaga ng piso kontra sa dolyar na siya naman nilang ipinambibili ng raw materials na puro imported. Ano nga ba ang mangyayari sa mga artistang walang trabaho?
* * *
Kung sinasabing hit ang Passion of the Christ sa US ay kumita na nang 200 milyong dolyar sa loob lamang ng ilang araw, aba hit din dito sa Pilipinas. Kitang-kita namin kung papaanong inihahanda ang malalaking kahon na naglalaman ng pirated copy ng pelikulang ‘yan na ipadadala sa mga probinsya, mula roon sa Elizondo Street sa Quiapo. Pero nanonood lang kami, dahil ano nga ba ang magagawa namin makita man naming talamak ang piracy. Kung ‘yong VRB walang ginagawa para mapigil sila eh.

Pati religious movie talagang pina-pirate na nila ngayon.
* * *
Panay daw ang pagyayabang ng isang showbiz gay na mayroon siyang credit card at kung nagyayaya ‘yon kumain sa mga restaurants, kahit na nga maliit lang namang halaga eh credit card pa ang ginagamit. Pero sa totoo lang, sa pagyayabang lang naman daw ginagamit ng matandang bakla ang kanyang credit card. Kasi wala naman siyang pambayad kung malaki na.

Pero ngayon, posibleng may pambayad na ‘yan dahil marami na naman daw nalolokong kandidato ang matandang showbiz gay na iyan.

ANO

ELIZONDO STREET

KASI

KUNG

PASSION OF THE CHRIST

PERO

RUDY MANLAPAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with