Bf ni Jennylyn nananakot ng mga lalaking nali-link sa kanya!

StarStruck Survivor Jennylyn Mercado vehemently denies na may boyfriend siya ngayon! Dati raw pero, simula nang mag-StarStruck siya ay nagsimula na silang mag-drift away. Hindi rin siya naniniwala sa balitang tinatawagan nito, ng kanyang ex-bf, ang mga lalaking nali-link sa kanya at pinagbabantaan nito.

"Baka gawa-gawa lamang ito ng mga gustong manira sa akin. May grupo kasi na sa di ko malaman ang kadahilanan ay gusto akong sirain. Wala naman akong ginagawa sa kanila," ang sabi ng ngayon ay celebrity endorser ng BCNY Jeans.

Hindi itinatanggi ni Jennylyn na hanggang ngayon ay kulang pa rin siya ng tulog. Kulang ang pitong araw sa isang linggo sa kanya para matapos niyang lahat ang gawain niya. Ang pinaka-pahinga na lamang niya ay ang mag-rehearse para sa SOP Rules.

Sa Linggo, Marso 14, magkakaroon ng Jennylyn’s Friendship Day sa Elephant World (Fun Festival Mall). May registration sa ika-1 NH hanggang 3NH. Magsisimula ang palabas sa ika-3:30 NH at aabot ang kasayahan hanggang 7NG. Maraming surprised guests ang darating, tulad ng Purefoods Team na kung saan si Jennylyn ang tumatayong muse. Libre ang entrance at ang lugar ay pwedeng maglaman hanggang sa 3,000 people.
* * *
Isang makabuluhang palabas ang mapapanood sa ika-19 ng Marso, 9NG sa Calesa Bar ng Hyatt. Pinamagatang A Musical Token of Friendship, ito ay isang pabenepisyo ni Madam Suzette Arroyo-Babst para sa Special Olympics Phils for Special Children.

Magiging star of the show si Token Lizares ng Galaxy Records at ngayon ay may taguring" The Darling Diva". Special guest niya sina Marco Sison at Alex Datu, isang showbiz writer at isang correspondent ng PSN at kasama sa radio program ni Alfie Lorenzo na "What’s It All About, Alfie?

Show comments