"Pero sakaling natuloy kami ay dun naman kami sa aking van ni Tracy sasakay pero si Rose ay doon naman sa sasakyan nina Halina sasama. Last minute ay nag-decide kami na huwag na lang sumama. Kung natuloy pala si Rose ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya na malamang ikinasawi niya o nagdulot ng aksidente gaya nang naranasan ni Dana Garcel," aniya.
Malaking pasasalamat ni Ed na hindi natuloy ang pagsama nila bagamat iniyakan ni Tracy ang nangyari kay Halina dahil naging close ito kay Halina simula nang nagkasama sila sa Tukaan. Naging parang magkapatid ang turingan nila sa isat isa.
Tinitiyak nila na magiging mabuti itong asawa sakaling magkatuluyan sila ni Raymart Santiago, maasikaso ito at masinop sa tahanan. Kahit CR ay nililinis nito mismo at hindi inaasa sa katulong. Kwento ng aking source na kinukuskos pa nito ang toilet bowl para makatiyak na malinis ito.
Masinop din si Claudine sa pera at hindi gumagastos sa walang kapaparakang bagay.
Mga die-hard fans ni Susan ang nag-asiste at nag-asikaso sa kanilang pag-iikot. Ni sa hinagap ay hindi nila aakalain na makakasama nila at makikita nang personal ang aktres.
Ang mga kapatid namang mga bading sa hanapbuhay ay walang kakurap-kurap habang pinagmamasdan ang pagrampa ng mga male models na naka-brief lang.
Magaganda naman ang mga sexy outfit na likha ni Armando Favia para sa show. Naitanong ko nga sa prodyuser kung bakit mahal ang bayad na P1,000. Sinabi nila na sulit naman ang kanilang panonood dahil may highlight pa silang mapapanood. Baka naman mag-topless ang mga Sensual Babes, di kaya?