At kung nabitin kayo sa panonood ng katatapos na Himig Handog Love Songs, at gusto nyo pang ulit-ulitin pakinggan ang mga paborito ninyong entry songs na compiled sa isang album. Bago pa man kasi ang naturang pa-contest ay ini-record na ito in CD form.
Ang Himig Handog Love Songs album ay malapit nang maging gold record na naglalaman ng sampung kanta: "Bye Bye Na" sinulat nila Ted Reyes at Jeff Antiporda; "Kailan Kita Mamahalin" kinompos ni Arnel De Pano; "Alam Kong Di Ako, Okey Lang" nina Rommel Tuico/Jason Dacua; "Susubukan Kong Muli" konompos ni Jan Lopez; "Last Love Song" composer Ron Jansen Solis; "Kailan Ka Darating" composer Wency Cornejo; "Maibabalik Ko Ba" composer Marc Bryan Adona; "Stop Think" composers Aliya Parcs/Allan Feliciano; "Huwag Ka Nang Umiyak" composer Ron Jansen Solis at "Narito Lang Ako" composer Chona Borromeo.
Ang album ay available na sa lahat ng record bar at itoy release ng Star Records.
Nakuha lang namin ang 3rd place sa cheering, pero okey lang dahil humataw naman kami sa mga sports events, kaya kami ang tinanghal na over all champion sa katatapos na palaro last Saturday na ginanap sa Rizal Memorial Stadium, Manila.
Ang katatapos na Mini-Olympics ay hudyat ng pagdiriwang ng 18th anniversary ng PSN sa March 17 sa susunod na linggo.
Ang buong Red Team na binubuo ng pamilya ng Star Publications tulad ng PSN, Phil. Star, Pilipino Printing, Pang Masa (PM), Fookien Times, Pulp, MTV, People Asia at marami pang iba. In behalf po ng Red Team kami ay nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa pangunguna ng aming managers na sina Al Pedroche at Lito Sunga. Ganun din sa mahusay at mahigpit na pagko-coach nina Mario Geocada at Arnell Ferrer. Marami rin pong salamat sa mga sponsors ng Red Team sa pag-aasikaso ni Hatti Fausto tulad ng Microtel Phil., Linden Suites, City Garden Hotel Makati, CSB International Hotel, Waterfront Hotel Phils., Emperor Villa, Rush Travel & Tours, Cosmos Lihia Factory, Astoria Plaza, Hotel LaCorona at sa iba pang hindi nabanggit na kasama sa aming team.