Ayon naman sa aktor ay never siyang magku-quit sa showbiz kundi magpapahinga lang sandali. Ibibigay muna nito ang panahon sa kanyang pamilya.
Ayon naman kay Ness, parang anak lang ang turing niya sa young actor at may kasama siyang ibang konsehal sa hotel. Walang panahon ang aktres sa kanyang lovelife ngayon dahil prioridad nito ang kanyang political career.
Tungkol naman kina Kris at Joey, aware siya na nagkabalikan na ang dalawa. Sinabi nito na hindi pa rin annulled ang kasal nila ng dating asawa. Nasa proseso pa lang ito at sana raw ay hintayin muna ni Kris na matapos ang annulment case bago sila tuluyang magpakasal ayon pa sa aktres.
Nag-undergo ng acting workshop at singing lesson ang magandang bagets.
Ngayong palabas na ang Annie B. ay wala pang ibang offer sa kanya ang Viva Films para gumawa ng pelikula. Kaya naman tatanggap na ito ng mga offer para mag-show sa abroad.
Patapos na rin ang Narito Ang Puso Ko at wala pa rin siyang offer para sa susunod na gagawin para hindi siya pagsawaan ng mga tao.
Excited na si Jolens sa bagong trabaho bilang host ng StarStruck Kids at isa sa mga dahilan kung bakit siya ang napili ng Siyete ay dahil sa pagiging mahiligin nito sa mga bata. Siya rin ang tatanggap ng Youth Achievement Award mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa March 21.
Totoo bang may tampo ito sa Siyete dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisimulan ang bagong proyekto after Kung Mawawala Ka?
Sinabi ng aktres na normal lang ang pagtatampo pero hindi nangangahulugan na masama ang loob niya sa network. Umaasa ito na sanay masimulan na ang bago niyang proyekto. Kung wala man siyang TV shows, may pelikula naman siya, Masikip Sa Dibdib, Boobita Rose ng Viva Films na tinatampukan ni Rufa Mae Quinto. Enjoy nga ito sa kanyang role bilang tomboy at lasengga na first time niyang gagawin sa pelikula.
Tinanggap niya agad ang role nang malamang si Joyce Bernal ang director. First time din kasi ng magaling na aktres na lumabas sa isang full lenght comedy.
Ayon sa aktor ay baka matagalan pa siya bago makapagtapos ng kursong ito dahil pakonti-konting units lang ang kinukuha niya. Kaya baka abutin pa ito ng anim na taon bago maka-graduate.