Tatlo sa mga
Viva Hot Babes, sina
Katya Santos, Andrea del Rosario at
Gwen Garci ang magtatanghal sa Zamboanga City ngayong ika-20 ng Marso sa pamamagitan ng isang sexy fashion show na pinamagatang
See True: The Viva Hot Babes in Zamboanga City na gagawin sa Summit Centre Coliseum, kasama ang ilang modelo na manggagaling ng Maynila at piling-piling modelo na taga-Zamboanga. Si
Anton Diva naman ang intermission-comic relief.
Isusuot ng mga sexy stars at mga modelo ang mga bagong creation ng tatlong top designers ng Zamboanga City na sina
Angking Francisco, Federico Navarro at
Altom Tiubo T. Prodyus ito ng
International United Artists Media Productions, Inc. with
Sonny Yu at
Nikki Lim bilang marketing directors sa Zamboanga side.
Dennis Adobas