Para lamang ma-accommodate ang mga pinagkukunan ng budget para maidaos ang naturang pakontes gaya ng mga kumpanya ng cellphones, bukod sa pagpili ng grand prize winning song ay mayroon pa ring Buyers Choice Award ("Maibabalik Ko Ba" ni Marc Bryan Adona, composer at Josh Santana, interpreter), Listeners Choice Award ("Kailan Kita Mamahalin" ni Arnel de Paño, composer at Anna Fegi, interpreter), Texters Choice Award (muli, "Maibabalik Ko Ba" ng tambalang Adona/ Santana).
Marami sa mga kasamahan ko sa press, kasama na ako ang na-disappoint nang hindi manalo ang entry ni Wency Cornejo na "Kailan Ka Darating". Feel namin at ng dalawang judges na nakausap namin after the judging di ko na sasabihin kung sino na may "K" manalo ang komposisyon na ito ni Wency bagaman at nang pakinggan ko ng mga limang ulit ang awitin plus yung entry ni De Paño at Adona at maging yung nanalong Highly Recommended Award na siya ring Grand Prize Winner na "Narito Lang Ako" ni Chona Borromeo at ininterpret ng Aegis, ay nagandahan naman ako sa mga entry. It was a toss among the three ("Kailan", "Darating" & "Narito"). Tinanggap ko na pwedeng manalo ng grand prize ang alin man sa tatlo, di lamang yung kay Cornejo pero, walang di magsasabi na nakalalamang yung interpretation ni Cornejo with the help of a choral group at ni Rachel Alejandro na wala rito at sinundan at sinabayan lamang ni Wency ang recording nito, sa dalawang awiting nanalo. Napakaganda talaga ng interpretation ni Wency, pang competition talaga, pero, I believe, hindi yun binigyan ng weight ng mga hurado.
Liz has just turned beauty salon proprietress. Kasalukuyang dinarayo ang kanyang Studio Fix na matatagpuan sa BF Homes Parañaque Phase 2 sa loob ng House of Rusty Lopez. Pinatatakbo ang HRL ng kaibigan niyang si Menchie Velarde.
May gimik si Liz sa kanyang Studio Fix na patok sa kanyang mga customers. Ito ang paglalagay niya ng live organ music. Mayron siyang organ player na non-stop na nagpaparinig ng mga magagandang musika. Bukod dito, all her clients are treated to a shot or 2 or 3 of red wine.
Mas mura sa ibang beauty salons ang presyo ng services sa Studio Fix, siguro dahil bago pa ito. Mayroon siyang sariling dermatologist on hand para magbigay ng mga skin care services, si Dra. Marieta Santos.
Balak ni Liz na magtayo ng isang consultancy bilang paghahanda sa pagkakaroon niya ng kanyang sariling linya ng cosmetics.
Ang hairstylist ng Studio Fix ay si Benny Ledesma. Manager naman si Anita Macabuhay.
Ang ikinatutuwa ng labis ni Liz ay ang pangyayaring kahit iisang buwan pa lamang siya sa negosyong ito ay mayron na agad kumuha sa kanya ng franchise na itatayo sa The Fort.
Ang CineColor ay mina-manage ni Bobby Yalung, isa sa mga anak ng movie producer na si Ben Yalung, bilang chief operating officer. May mga 15 tao si Bobby na nagtatrabaho sa kanya.
Bukod sa CineColor, balak din ng magkakapatid na Yalung na i-revive ang kanilang film outfit na Cine Suerte. Balak nilang gawin muli ang Zuma.