Dahil ba roon kaya hindi sila hinuhuli ng mga pulis?
Hindi naman daw, sabi ng nagtitinda. Talaga raw wala sa jurisdiction ng mga pulis na hulihin ang pirated na DVD, VRB lang daw ang nanghuhuli noon.
Anyway kung tama ang nalalaman nilang iyon. Siguro nga ang binigyan ng kapangyarihan ng batas na magpatupad ng mga hakbang laban sa piracy ay ang VRB lamang, pero papaano na iyong nagtitinda ng porno? Wala bang kapangyarihan ang mga pulis na hulihin iyon? Yang mga pirata, nagtitinda yan sa gitna na ng kalye eh. Wala bang kapangyarihan ang mga pulis na hulihin sila dahil sa illegal na pagtitinda sa kalye?
Kung talagang iisipin, maraming paraan para mahuli ang mga pirata, kaya lang hindi nila ginagawa. Kasi magkakahilian eh. Sinasabing trabaho iyon ng VRB, eh wala namang magawa iyang VRB na iyan. Hindi nasusugpo, lalong lumalaganap ang video piracy sa ngayon. Mas malaki ang industriya ng mga pirata kaysa sa legal na industriya ng video, at iyan ay isang nagdudumilat na katotohanan. Sabihin man nilang marami na silang nahuling VCD at DVD na pinasasagasaan nila sa pison habang nanonood pa si Presidente Gloria, mas marami pa rin iyong ibinebenta sa bangketa. Hindi kami nagbabago ng aming paniniwala na inutil ang pagpapatupad ng batas laban sa piracy.
Ang gagawin ninyo, ipe-play lamang ang video at maari nang sabayan iyon.
Noong araw iyang mga ganyang video ay ini-import pa natin. Natatandaan ba ninyo na ang unang nauso niyan ay iyong video ni Jane Fonda? Napakamamahal ng mga video na iyon. Ngayon ayos lang iyang exercise video ni Jackielou.
Bale tatlong readers na ng column natin dito sa Pilipino Star ang natulungan nila a t naghihintay na lang na makaalis papuntang Canada. Hindi ba maganda iyan?