^

PSN Showbiz

Bakit 'di puwedeng manghuli ng pirata ang pulis ?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Noong isang araw ay kilabot na kilabot kami sa nakita namin. Mga pulis, naroroon sa tindahan ng mga pirated na DVD sa Elizondo Street sa Quiapo. Pero in fairness hindi naman sila nambakal, nakita namin nang bayaran noong isa yong mga kinuha niyang DVD, pero syempre dahil pulis mas mura ang bayad nila. Sabi sa amin ng isang kakilala naming nagtitinda roon, basta raw pulis ang singil lang nila ay kwarenta isang DVD. Kung karaniwan kang tao na hindi pulis 65 pesos ang DVD na pirated ngayon.

Dahil ba roon kaya hindi sila hinuhuli ng mga pulis?

Hindi naman daw, sabi ng nagtitinda. Talaga raw wala sa jurisdiction ng mga pulis na hulihin ang pirated na DVD, VRB lang daw ang nanghuhuli noon.

Anyway kung tama ang nalalaman nilang iyon. Siguro nga ang binigyan ng kapangyarihan ng batas na magpatupad ng mga hakbang laban sa piracy ay ang VRB lamang, pero papaano na iyong nagtitinda ng porno? Wala bang kapangyarihan ang mga pulis na hulihin iyon? ’Yang mga pirata, nagtitinda ’yan sa gitna na ng kalye eh. Wala bang kapangyarihan ang mga pulis na hulihin sila dahil sa illegal na pagtitinda sa kalye?

Kung talagang iisipin, maraming paraan para mahuli ang mga pirata, kaya lang hindi nila ginagawa. Kasi magkakahilian eh. Sinasabing trabaho iyon ng VRB, eh wala namang magawa iyang VRB na iyan. Hindi nasusugpo, lalong lumalaganap ang video piracy sa ngayon. Mas malaki ang industriya ng mga pirata kaysa sa legal na industriya ng video, at iyan ay isang nagdudumilat na katotohanan. Sabihin man nilang marami na silang nahuling VCD at DVD na pinasasagasaan nila sa pison habang nanonood pa si Presidente Gloria, mas marami pa rin iyong ibinebenta sa bangketa. Hindi kami nagbabago ng aming paniniwala na inutil ang pagpapatupad ng batas laban sa piracy.
* * *
Working Out with Jackielou Blanco ang title ng isang exercise video ni Jackielou. Doon sa nasabing video, itinuro ni Jackie ang mga exercises na magagawa ng kahit na sino sa loob ng kanilang tahanan. Ibig sabihin, iyan ang exercise video para sa mga taong medyo busy sa kanilang trabaho at walang panahong magtungo sa gym.

Ang gagawin ninyo, ipe-play lamang ang video at maari nang sabayan iyon.

Noong araw iyang mga ganyang video ay ini-import pa natin. Natatandaan ba ninyo na ang unang nauso niyan ay iyong video ni Jane Fonda? Napakamamahal ng mga video na iyon. Ngayon ayos lang iyang exercise video ni Jackielou.
* * *
Nakausap namin ulit ang mommy ni Smokey Manaloto, si Mommy Gie. Sabi niya, tutulungan naman daw nilang makapunta sa Canada ang gustong maging caregiver, lalo na nga iyong nagbabasa ng Pilipino Star, kaya lang kailangan tapos naman ng dalawang taong college, o kaya 72 units ng vocational course. Kailangan din nakapag-training bilang caregiver o kaya, isang registered nurse o midwife. Kung ganoon ang qualification ninyo, sabihin ninyo pinatawag namin kayo sa kanya sa 7234514, o kaya mag-e-mail kayo sa manilacanada @yahoo.com.

Bale tatlong readers na ng column natin dito sa Pilipino Star ang natulungan nila a t naghihintay na lang na makaalis papuntang Canada. Hindi ba maganda iyan?

ELIZONDO STREET

JACKIELOU

JACKIELOU BLANCO

JANE FONDA

PILIPINO STAR

PULIS

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with