Matagal nang may relasyon ang dalawa nang lingid sa kaalaman ng marami dahil lalaking-lalaki kung tingnan ang dramatic actor.
Dumating sa puntong naghiwalay ang dalawa at nagkanya-kanya ng landas. Nagbalik-showbiz ang aktor pero hindi rin ito nakatiis kaya binalikan uli ang kanyang papang aktor at talent manager din.
Ngayon ay libre na si Angelika at pwede nang makapag-recording sa ibang outfit dahil nanalo sila sa demanda laban sa BMG Records. Ngayong pumirma na ito ng full management contract sa ABS-CBN Talent Center ay di malayong kunin ito ng Star Records para gumawa ng album.
Pangarap nga ng magandang aktres na makagawa ng album na mala-Britney Spear ang dating. Mahilig ito sa mga bouncy songs para pwedeng gawan ng music video para makasayaw siya.
Maipapakita rin niya ang kaseksihan gaya ni Britney. Maraming nagsasabi na kahawig ng boses niya si Christina Aguilera kaya flattered naman si Angel.
"Nakikialam ako sa mga costume ng mga kababaihan at paglalagay ng accessories. Ako pa rin ang nagsasabi sa kanila ng mag-blocking na tayo. Nagko-contribute din ako ng magagandang ideas sa director para mapaganda pang lalo ang aming serye," sey nito. Sa tunay na buhay ay bunso si Mina kaya marunong siyang makisama sa mga nakababata sa kanya.
Ipinakita ni Mina sa mga nag-iinterbyu ang photo ng kanyang kambal na sina Maverick at Cassandra. May nago-offer na rin para gumawa sila ng pelikula pero hindi pabor ang mag-asawa na mag-artista ang kanilang kambal, hanggang sa komersyal lang.
Paano natuklasan ang magandang bagets? "Nakita po ako sa Glorietta ni Egay Cruz na kaibigan ng aking manager na si Neil de Guia. Wala talaga akong planong mag-artista dahil gusto kong maging ramp model. Pero nang mag-workshop na ako sa GMA Artist Center ay nag-enjoy na ako. Anim na buwan pa lang ako sa showbiz," aniya.
Handa na rin sa intriga si Margaret pero ayaw niya yung ili-link siya sa ibat ibang leading man. Kasama na rin siya sa All Together Now.
Gusto niyang maging leading men sakaling mabigyan ng magandang break sina Cogie Domingo at Richard Gutierrez. Naibigan naman nito ang role sa Kakabakaba kung saan may pagka-kontrabida ang dating pero bumait sa dakong huli.
Nag-enjoy si Ram sa two-day syuting doon dahil pinagkaguluhan siya ng mga fans. Itutuloy ang syuting sa magagandang lugar sa Maynila. Marami na itong tagahanga ngayon at nagsasabing siya ang bagong crush ng bayan.
Tinanong namin ang bagets kung mahilig din ba siya sa magagandang babae gaya ng kanyang daddy na si Senator Ramon Revilla. "Siguro Tita namana ko kay Daddy yung pagiging chickboy niya. Prep pa lang ako ay nagkaka-crush na ako sa mga kaeskwela ko kaya nakailang girlfriend na rin ako. Ang una kong tinitingnan sa isang babae ay ang mga mata nito at type ko ang tsinita. Sana maging katulad ako ni Daddy na magaling sa aksyon at gusto ko ring sundan ang kanyang mga yapak at maging pulitiko," sabi niya.
Balak nilang kunin leading lady si Maxene Magalona na crush din pala ng poging si Ram. Umaasa sila na sanay mapili itong entry sa darating na filmfest sa Hunyo sa direksyon ni Ed Palmos. Panay na ang pagsasanay ng bagets ng boksing, karate at taekwondo kung saan si Baldo Maro ang kanyang fight instructor.