^

PSN Showbiz

Jackielou, sinunod ang payo ni Pilita na huwag iiwan si Ricky

- Veronica R. Samio -
Hindi naman ang manugang niyang si Ricky Davao ang ayaw paiwanan ni Pilita Corrales sa anak niyang si Jackielou Blanco kung hindi ang tahanan nila. Katulad din naman kasi ng maraming married couple ay nagkakaroon din ng differences ang dalawa pero hindi naman ito ganun ka-grabe na dapat silang maghiwalay. But still never nagpabaya si Pilita sa pagbibigay ng advice namin na huwag iiwan ng mag-asawa ang kanilang tahanan.

"I’m glad that I never thought of moving out. Kasi kung umalis ang isa sa amin, mas malamang na tuluyan na kaming maghiwalay pero, kung magkasama pa rin kami sa bahay, there will always be that chance na masi-settle namin ang differences namin. Wala kasi kaming choice kapag nasa isang bahay lang kami kundi ang mag-usap. Alangan naman na hindi kami magkita or mag-usap.

"Pero, kami naman ni Ricky never naging habit namin na maghiwalay. Kapag galit ang isa sa amin, lumalabas lang kami at nagpapalipas ng galit, tapos okay na," paliwanag ni Jackie na ngayon, bagaman at wala pa siyang ginagawang movie or TV series, ay abala sa pagpu-promote ng kanyang Working Out with Jackie Lou Blanco CD para sa Viva Video. Naglalaman ito ng professional tips and techniques para sa lahat ng level ng exercise. Madali lamang itong sundin at siguradong makakapag-tone down ng body.
* * *
Poor, poor PGMA, lahat ng paninira na tinatanggap ni FPJ ay sa kanya ibinibintang. Paano na kung hindi naman siya at ibang kampo pala ang nagpapalabas ng mga ito at gustong sa kanya lamang isisi? Tsk Tsk, Tsk.

Nevertheless, patuloy sa kanyang tahimik na pangangampanya ang pangulo na suportado ng marami rin namang showbiz personalities.

Isa sa mga crowd drawers ng kanyang mga rallies ay ang Popstar na si Sarah Geronimo na bagaman at wala pa sa edad para bumoto ay nagsabi na ng kanyang pagkagiliw sa pangulo sapagkat marami itong proyekto para sa showbiz na kasama siyang mabibiyayaan.
* * *
On the other hand bilib naman ako sa pagiging malawak ang isip ni FPJ para hindi kondenahin ang mga kapwa niya artista na kumakampanya para sa kanyang mga kalaban. Mayro’n naman siyang mga matatapat na followers who will move heaven and earth para siya matulungan.

Tulad ni Fred Tuadles na tumatakbo bilang gobernador ng Cebu sa ilalim ng KNP.

Napaka-abalang negosyante ni Tuadles pero, hindi nito matanggihan ang alok na maging standard bearer ng KNP sa Cebu para sa laban ng mga gobernador dahil gusto niyang, una ay matulungan si FPJ at ikalawa, para makapagsilbi sa kanyang mga kababayan.

Dating manager ng Presidential Action Center for the Visayas Region during the Estrada regime, president ng Tuadles Guild Builders, Inc., head ng Multi-Mineral Resources Corporation and the Hercules Mining Corp.. a coal mining firm in Masbate. Nagmemeari rin ito ng isang 70-bed, medium-build hospital para sa mga matatanda sa US.

CEBU

FRED TUADLES

JACKIE LOU BLANCO

JACKIELOU BLANCO

MULTI-MINERAL RESOURCES CORPORATION AND THE HERCULES MINING CORP

NAMAN

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with