Gary V. special guest sa Special Olympic Games

Nakakahamon naman yung kalagayan ng mga mentally challenged nating kababayan dahil napaka-productive na ng buhay nila ngayon. Matagal-tagal na rin silang sumasali sa Special Olympics Games hindi lang dito sa atin kundi maging sa ibang bansa. At meron na ring ilang kompanya na may mentally challenged na empleyado.

Ang mga mentally challenged na athletes na kasama sa 10th Philippine National Special Olympics ay binubuo ng Autism, Celebral Palsy, Down’s Syndrome at mental-retardation (mongoloid). Imagine mo, naglalaro sila sa Special Olympics na pareho ang standard ruling ng game sa mga sinasalihan nilang sports, at napakagagaling nila.

Katulad ni Roxanne Salve Go Ng, 22 year old autistic. Member siya ng bowling team na lumaban sa World Special Olympics last year sa Ireland. Nagbigay siya ng karangalan sa ating bansa nang manalo ito ng triple gold medals sa bowling (singles, doubles at mixed team event). Pero bukod dito, mas mahaba pa pala ang listahan ng mga achievements ni Roxanne hindi lang sa sports, school kundi maging sa kanyang mga extra curricular activities, at kukulangin ang ispasyo kapag isinulat ko itong lahat.

Kung gusto pa n’yong mahamon, panoorin kung paano ang 600 special athletes na magpapamalas ng husay sa paglalaro tulad ng swimming, ten-pin bowling, basketball, badminton, soccer, table tennis, volleyball at powerlifting, oh di ba? Gaganapin ito sa Marikina Sports Complex sa March 3-5, walang bayad ang entrance.
* * *
Darating naman si Gary Valenciano sa Special Olympics para magbigay ng opening song number. Nalaman ko na tumanggi si Gary V na tumanggap ng talent fee. Dahil dito, ininsist ng pamunuan ng SO na bigyan siya ng honorarium. Ayaw pa rin ni Gary na kunin ang ibinibigay nila. Pero bilang pasasalamat nila sa singer, nagpilit sila na bigyan siya kahit honorarium. Sa huli, tinanggap ni Gary V ang honorarium na hindi niya alam kung magkanong halaga ang laman nito. Pero hindi pa rin sa kamay ng singer mapupunta ang pera kundi sa pinili niyang diabetic organization.

Kung gaano kahirap mag-invite ng mga stars, kabaligtaran ito kay Mr. Gary V dahil walang kahirap-hirap na tinanggap nito ng walang bayad ang invitation. Sa kabila pa ng napaka-hectic na schedule nito. Isang huwaran talagang artist si Gary V.

Minsan ko na ring naisulat nang hindi maganda si Gary V, pero pinasalamatan pa rin niya ako nang magkita kami. Magtataka pa ba tayo kung bakit hanggang ngayon ay napaka-successful pa rin ng career ng isang Gary V?

Samantala, busy naman si Gary sa pagtutok sa paggawa ng bago niyang album.

Show comments