"Mas gusto ko ang umarte sa harap ng kamera. Naririyan na ang mister ko sa pulitika, dito na lang ako," kwento ni Tess sa amin sa isang pagtitipon.
Kasama niyang dumating sa Sto. Niño Baliuag Bulakan si Paolo Ravales. Si Paolo ang young actor na malimit gumanap bilang anak niya sa mga telenobela sa Siyete.
Last movie niyang nasamahan ay Mano Po 2, bilang nanay ni Kris Aquino. Matindi rin ang papel niya rito. Kaibigan niya si Daisy Romualdez na nag-advise din sa kanya na paminsan-minsan ay umapir sa pelikula. - VG