Baguhang actor napansin
March 1, 2004 | 12:00am
Tuwang-tuwa ang baguhang aktor na si Kristofer King nang malaman niyang nominado siya ng PMPC Star Awards bilang New Movie Actor of the Year.
"Hindi lahat ng baguhan ay nabibigyan ng ganitong karangalan sa unang pelikula nila kaya maski hindi ako manalo ay okay pa rin sa akin," ani Kristopher.
Na-nominate si Kristopher para sa kanyang perfomance bilang bidang lalake sa pelikulang Babae Sa Breakwater na gawa ng Entertainment Warehouse, Inc. sa direksyon ni Mario OHara. Siya si Basilio, isang probinsyano na nakipagsapalaran sa Maynila at tumira kasama ang mga yagit sa Roxas Boulevard kung saan ay natagpuan niya ang tunay na kahulugan ng buhay.
Si Kristopher ay pamangking buo ng yumaong aktor na si Ray Marcos. Ang ama niya namang si Edgar Reyes, may-ari ng Star Vision Entertainment Promotion ay dating supporting actor sa mga pelikulang gawa ng Sampaguita Pictures. DA

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended