Dahil wala na rito ang Argentinian actor, puwede na sigurong isulat na noong nasa bansa siyay dumating ang kanyang girlfriend para siyay bisitahin. Hindi lang nagtagal dito ang gf ni Segundo dahil selos na selos kay Iza Calzado. Dumating sa puntong naapektuhan na ang trabaho ni Segundo sa pagseselos nito kaya, pinakiusapan ng Ch. 7 management ang actor kung puwedeng pauwiin na niya ang gf na siya nitong ginawa.
Noong gabi ng presscon ng Love to Love ay may taping siya ng Ikaw Sa Puso Ko at nagpaalam lang siya kay Direktor Ruel Bayani na pumayag um-attend siya for two hours, tapos balik na siya sa taping. Tiningnan namin kung may eye bags na si Nadine sa sunud-sunod na puyat pero, hindi pa namamaga ang mga mata nito.
Tingnan nyo naman ang schedule ni Nadine: MWF ang taping nila sa sisimulang show ng 14 StarStruck finalist; Tuesday at Saturday ang taping niya ng ISPK; Thursday ang taping niya ng Kissing Beauty episode ng Love To Love at pag Sunday ay nasa SOP siya.
"Hindi pa naman ako napapagod at natutulog naman ako pag wala akong trabaho. Saka, sa rami ng projects na dumating, hindi maganda kung magrereklmao ako. Ang pinanghihinayangan ko lang, di na ako nakakapasok sa school. Two months na akong absent sa Alpha Angelicum Academy at baka ibagsak na ako," sabi ni Nadine.
Third year high school sa nabanggit na eskwelahan si Nadine pero, mukhang hindi niya ito maipapasa dahil matagal na siyang absent. Gusto pa naman nitong maging lawyer kundi siya nag-showbiz.
Nagbago lang ang tono ng dating host nang sabihin sa kanyang kaya siya tinawagan ay para kumanta sa isang campaign rally. Tinanggap naman ng host ang offer pero, obvious na hindi ang kumanta sa kampanya ang ine-expect niyang offer from TAPE na siyang producer ng EB.
Wala rin namang plano ang TAPE na magdagdag ng male host kahit mawawala pansamantala si Anjo Yllana. Saka, kung kukuha sila ng male host, tiyak daw na hindi dating taga-MTB.
Nakita ang actor na namamasyal sa Los Angeles kasama ang bagong asawa.
Ngumiti at kumaway ito nang makasalubong ang ilang kababayan. Pero, nag-iba ang reaksyon nito nang makitang kasama nang nginitiang Pinoy ang isang kaibigang taga-showbiz.
Nawala ang ngiti ng actor at biglang kinabig ang asawa, tinakpan ang mukha at inilayo sa grupo. Naintindihan ng taga-showbiz ang naging reaction ng actor at hindi ito ipinagdamdam. Wish pa nga nitoy maging masaya at magkaroon ng katahimikan ang actor na sobrang magulo ang buhay ngayon.