Annabelle Rama,inalok ng P 150M,para tumakbong senador!

Sinabi ni Ruffa Gutierrez, sa presscon ng 2004 Ad Campaign ni Ricky Reyes na magaganap sa Marso 2, 6 n.g. sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP), na inalok ng presidential candidate na si Eddie Gil ang kanyang ina na si Annabelle Rama ng P150M para tumakbong senador sa nalalapit na eleksyon sa partido nito. Tumanggi raw ang kanyang ina sa dahilang hindi kabilang sa agenda nito ang maging isang pulitiko. Maligaya na raw ito sa pag-aasikaso sa kanyang pamilya, lalo na ngayong ang nakakabatang kapatid niya na si Richard ay aktibong-aktibo sa pagiging isang artista. May mga negosyo pa rin na inaasikaso si Annabelle na pinagbubuhusan nito ng panahon. Sa kasalukuyan, masaya na naman nitong inaalagaan ang kanyang apo kay Ruffa, si Lorin, na nakatakdang umuwi ng Turkey kasama si Ruffa, makatapos na makatapos ang kanyang paghu-host ng Bb. Pilipinas sa Marso 6.
* * *
Hindi titulo ang S.M.I.L.E. ng isang popular na awitin. Isa itong Party List na naglalayong makatulong sa mga negosyante, mula sidewalk vendors hanggang mga malalaking negosyante at kumpanya. Gagawa ito ng mga batas na sasagot sa suliranin ng mga maliliit na negosyante at ekonomiya ng bansa.

Inorganisa ang S.M.I.L.E. para magsilbing hub of associations na bubuuin ng small; and medium scale business entrepreneurs at service provider sa komunikasyon, electronics, information technology, transport services, atbp.

Ang S.M.I.L.E. Party List stands for Samahan ng mga Mangangalakal para sa Ikauunlad ng lokal na Ekonomiya.
* * *
Daan-daang special children from all over the country ay magtitipun-tipon sa Marikina Sports Complex sa Marso 3-5 para sa Special Olympics’ 10th Annual National Games. Ang mga sports na paglalaruan ay basketball, powerlifting, soccer, swimming, table tennis, badminton, bowling, volleyball, atbp.

Ang honorary chairman para sa nasabing event ay si presidential daughter Luli Arroyo. Dadaluhan ito nina Marikina Mayor Marides C. Fernando at Mr. Simon Koh, Director/Consultant for Asia Pacific region.

Ang Special Olympics Philippines ay isang non-profit humanitarian organization na nilikha para tumulong sa mga mentally challenged para ma-develop nila ang kanilang talents sa sports na magagamit nila sa mga competitions here and abroad. Ang event ay susuportahan ng mga 300 Special Olympics volunteers na magbibigay ng kanilang unconditional support.

Nung June 2003, 12 Filipino Special Athletes ang sumali sa World Summer Special Olympic Games sa Dublin, Ireland. Bahagi ito ng 7,000 iba pang atleta na nagmula sa mga 157 na mga bansa. Sumali lamang tayo sa apat na events, bowling, athletics, powerlifting at swimming, nagawa nating mag-uwi ng 5 gold, 4 silver at 2 bronze.

Ang Special Olympics ay umaasa ng malaki sa kabutihang loob ng marami sa pamamagitan ng volunterism.

Show comments