^

PSN Showbiz

Yilmaz,binibili ang bahay ni Ricky Reyes para kay Ruffa

-
Unang pumunta ang mag-asawang Yilmaz at Ruffa Gutierrez Bektas sa bahay ng salon magnate na si Ricky Reyes nung Pasko para maghapunan. Agad na-impress ang gwapong Turko sa kagandahan ng bahay.

"Gandang-ganda ang asawa ko sa bahay mo, Mother," ani Ruffa na napaaga ang dating dito para lamang mag-host ng Bb. Pilipinas at dumalo sa launching ng 2004 Ad Campaign ni Ricky Reyes na magaganap sa Marso 2 sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP) sa ika-6 ng gabi.

Kasama si Ruffa sa isang grand and majestic show na magaganap na pinamagatang Lolah....ang ganda-ganda DIVAhh! na magtatampok sa mga Gandang Ricky Reyes 2004 endorsers. Si Ruffa ay endorser ng 2003 kasama si Gloria Romero.

Going back to Ruffa, sinabi nito na "Lalo pa siyang humanga nang mabasa niya yung librong ibinigay mo sa kanya at nalaman niya na napakarami mo palang tinutulungan," dagdag pa ni Ruffa na mas lalong gumanda nang magka-anak. "You know naman na kapag nagkaanak na ang babae ay gumagawa ito ng paraan para siya bumata at kapag bata naman siya ay gusto niyang mag-mature agad," sey pa nito.

Okay naman kay Mother Ricky na ibenta kay Ruffa ang bahay niya, kung talagang gusto nito. But they will have to wait muna for Yilmaz para malaman kung seryoso ito sa kanyang sinabi.

vuukle comment

AD CAMPAIGN

GANDANG RICKY REYES

GLORIA ROMERO

MOTHER RICKY

RICKY REYES

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ BEKTAS

SI RUFFA

TANGHALANG NICANOR ABELARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with