May mga segment pang ang kalaban nila ay 2 percent lang ang audience share, kasi hinati-hati ang survey sa thirty minute segments. Ibig sabihin may nanood na sa kanila na umalis pa at lumipat sa Eat Bulaga siguro. Consistent naman ang ratings ng Eat Bulaga sa survey na iyon.
Pero natanong nga namin, baka naman kaibigan ng mga taga-Eat Bulaga ang gumawa ng survey, eh ang sagot niya sa amin, ni hindi nga raw alam ng mga tao na may ginagawa silang ganoong survey eh. Sikreto lang daw iyon.
Base rin sa resulta ng survey na iyon, lumalabas na mas maganda pa ang audience share ng MTB kaysa riyan sa bago nilang show. Mas sumama pa ang resulta nila na basta na lang nila inaalisan ng trabaho ang mga tao at pinapalitan nila, dahil lang sa kanilang desperadong pagpupumilit na talunin ang Eat Bulaga.
Sa totoo lang, mahihirapan na silang talunin iyang Eat Bulaga. Kasi naging habit na ng mga tao ang manood ng show na iyan. Hindi inaabangan ang show, kaugalian na ang panonood ng show na iyan kaya kahit na ano lang ang content nila, naroroon pa rin at nanonood ang mga tao sa kanila.
Kawawa lang talaga ang mga nakakalaban nila.
Ang akala namin, totoong-totoo iyong sinasabi niya noon na hindi na iginalang ni Mayor Joey ang kanyang pagiging isang babae niya mismo. Eh sabi niya hindi siya iginagalang tapos binalikan niya eh.
Isa pa, kung kami naman si Mayor Joey, sinabihang hinawahan naman siya ng STD, hindi rin kami makikipagbalikan diyan kay Kris.