Ang katwiran ni Luis, "Para aware ako sa lahat ng nangyayari whether politics, business, world news and showbiz. Para when I get to mingle with people with different interests, kahit papano, may alam ako."
Magandang attitude ito ni Luis lalo pat isa siyang TV host. Sana nga lahat ng mga kabataang artista ay katulad niya.
Speaking of Luis, finally ay tuloy na ang Star Circle Quest, ang reality-based star search ng ABS-CBN. Sila ni Jodi Santamaria ang hosts nito.
Ngayong gabi ay may primer ang Star Circle Quest sa Araneta Coliseum at 9:30 p.m. Free admission ito.
Dito ay ipi-present ang 200 contestants sa nasabing search. Ito ay ang napili mula sa 5,000 applicants. Sa March 1 ay mapapanood na ito gabi-gabi.
Sina Bobet Vidanes, Arnel Natividad at Tots Mariscal-Sanchez ang direktor nito.
Milyon ang halaga ng premyo at stardom ang naghihintay sa mananalo sa Star Circle Quest. Ang balita ko pa, ongoing ang negotiations para sa house-and-lot na bahagi rin ng premyo.
"Lets face it, talagang may following yang ganyang mga show," sabi ng isang entertainment editor. "Ako mismo, talagang pinapanood ko ang Marina. Hindi lang ako, pati mga pamangkin ko at kasamahan sa bahay. Bukod sa Marina, maganda rin ang rating ng MTB: Ang Saya Saya! Hindi man nito tuluyang tinalo ang katapat na Eat Bulaga, masaya na ang staff ng show sa nakuha nitong rating. Nagtala ang MTB: Ang Saya Saya! ng 19% at 21% ang Eat Bulaga. Dalawang puntos na lamang ang lamang ng Eat Bulaga sa ABS-CBN noontime show.
Namamayagpag pa rin ang iba pang ABS-CBN programs tulad ng Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym, The Buzz, ASAP Mania, Sharon at Star In A Million.
Hindi pa rin natitinag ang Victim sa second season nito. Nagtala ito ng 22% samantalang 19% ang Kakabakaba Adventures at 13% ang Celebrity Turns.
Isang surprise VTR ang inihanda ng staff ng MUB para kay Nina. Nagbigay ng greetings ang kanyang pamilya, kaibigan at katrabaho. Isang surprise phone patch greetings ang ibinigay ng dati niyang co-host na si Ogie Diaz.
Just in time for her birthday, isang magandang regalo ang dumating kay Nina. She was granted a scholarship grant mula sa isang international broadcasting school sa London. Isa si Nina sa 10 napili na ipadadala sa nasabing school come June. Bale 3 months yung scholarship.
Sa sampu, tanging si Nina ang napili ng HSBC na i-shoulder ang lahat ng kanyang expenses.
Malaking opportunity ito kay Nina bilang isang broadcaster. Malaking boost ito sa kanyang career.