Bale 14 years old si Iris nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Ginawa naman nila ang lahat para mapagkasundo silang muli. Nangyari nga ito pero, mga tatlong taon na ngayon ang nakararaan, basta na lang umalis nang walang paalam ang kanyang ina at hindi na nila nakita simula noon. Kung saan-saan na raw nila ito ipinagtanong pero ni walang makapagsabi kung nasaan na nga ang mother niya.
Ang sabi ni Iris, wala raw siyang pangarap ngayon kundi ang makita ang kanyang ina. Kung darating nga lang daw ito sa grand finals ng Search For A Star na gaganapin sa Ultra sa March 13, hindi bale na raw kung hindi siya manalo. Higit na mahalaga raw sa kanya na makita ang kanyang ina kaysa sa isang milyon at lupat bahay na mapapanalunan niya sa contest.
Para kasi kay Iris, mas mahalaga ang kanyang pamilya, at wala na raw siyang pangarap ngayon kundi ang mabuong muli ang pamilya nila. Kung hindi naman daw talaga maaaring magkasundo ang kanilang mga magulang, ang gusto lang niya ay makita ito.
Napagkwentuhan din namin, ibabalik pala sa TV ang show ni Manay Gina. Sa totoo lang marami ang naghahanap noon. Baka nga raw sa Channel 5 ilagay iyon dahil may magandang offer sa kanila ang ABC-5 para sa show. Mukha nga raw mabibigyan pa sila nang mas magandang oras.
Noon, ang politician na yan ang naglilinis ng bahay at nagluluto para sa showbiz gay na umampon sa kanya at naging lover niya. Kung sa bagay noon pa naman yon, pero aywan kung alam maging ng mga anak niya na ang pinagsimulan ng kanilang kabuhayan ay galing lahat sa isang showbiz gay na napakayaman noong araw.