Kababata ni Jericho, aampunin na lamang ang anak na ayaw nitong kilalanin
February 27, 2004 | 12:00am
Parating ngayong Sabado, February 28 galing Amerika ang aming e-mail sender na gumamit ng alyas na Concerned Man na siyang nagbulgar na may isa pa umanong anak na itinatago ang batang aktor na si Jericho Rosales sa Bicol na nagngangalang Junior at itoy anak niya umano sa kababatang si Mitch na sumakabilang buhay nung nakaraang Oktubre.
Sisimulan pa lamang sana namin ang pagsulat ng kolum na ito nang muli kaming makatanggap ng e-mail mula sa concerned man na nagpakilalang si Caloy, kababata umano ni Jericho at yumaong kasintahan nitong si Mitch.
Narito ang buod ng kanyang ipinadalang e-mail sa amin: "Alam na ni Jericho kung sino ako dahil kababata ko siya. Uhugin pa kaming dalawa noon. Caloy ang palayaw ko. Marami na akong natanggap na threats sa e-mail ko at alam ko na galing `yun sa mga kapamilya ni Jericho. Sa palagay ko ay wala talagang pag-asang kilalanin ni Bonjing (Jericho) si Junior dahil ayaw talaga niya, base sa mga e-mail na natatanggap ko. If I may quote: "Hoy! Caloy, alam namin na ikaw yan. Tigilan mo na si Bonjing. Magpakayaman ka na lang sa Amerika! Paano naman gaganahang kilalanin yang bata e galisin at di kamukha ni Bonjing? Sige dalhin mo na lang yan sa Amerika para wala nang manggulo dito.
May pamilya na si Bonjing ngayon at huwag mo nang guluhin. Maawa ka sa ibang mga anak niyang nasasaktan at pati doon sa ka-live in niya. Caloy, isusumbong kita sa nanay mo. Baka mabugbog ka ni Mang Bong (ama ni Jericho) kapag tumapak ka doon sa Bicol dahil sa kadaldalan mo. At tigilan mo na ang pakikipagkumpara mo kay Junior sa ibang anak ni Bonjing dahil kawawa ang mga bata. Huwag kang mandamay ng taong nananahimik Luisa".
I will fly to Manila on Friday. I will take Junior with me back to the USA because I know there is no hope for him there. I truly hope makonsensya si Jericho sa pagpapabaya niya kay Junior. Kay Tito Bong na nag-deny, sa mga kamag-anak ni Jericho, sana ay huwag kayong mabulag sa pera magpakatotoo kayo. Sa asawa ni Jericho, sa ibang mga anak niya, sana ay huwag magbago ang binibigay ni Jericho na attention at pagmamahal sa inyo. At kung mayroon tayong pagkakataon na magtagpo ng landas natin in the future at magkakilala ay sana po kayo na mismo ang kumupkop at kumbinsihin ang asawa ninyo na bigyan ng kaunting pagmamahal si Junior na tunay niyang panganay. Sa ngayon po ay baka hindi pa inaamin sa inyo ni Jericho, pero naniniwala ako na sa tulong ng kaluluwa ni Mitch na minahal niya dati na nagdarasal ay lalambot din ang puso ni Jericho at kukunin din si Junior para maging parte ng pamilya ninyo.
Kahit pinipigilan akong magsalita ng mga kamag-anak ni Jericho ay malaman ng publiko kung anong klaseng artista ang hinahangaan nila. Mabait sa telebisyon, pero sa panganay niya ay napakalupit. Sa ngayon, maniwala man ang tao o hindi sa akin dahil hindi naman ako artista ay ang Diyos na ang bahala. Dadalhin ko si Junior sa Amerika at sana pagpalain din ako ng Diyos dahil sa pag-aalagang iaalay ko para sa matalik kong kaibigan na si Mitch at Bonjing na kung tutuusin ay hindi ko na obligasyon.
Sana ay huwag nang i-deny ni Jericho, Tito Bong at nung ibang kamag-anak niya na may panganay si Jericho na Junior sa Bicol. Sana, lumambot na ang puso nila at patawarin din ako ni Mitch dahil ibinulgar ko ang lihim nila ni Jericho. Sana maintindihan ng ibang anak at asawa ni Bonjing.
Nagpapasalamat,
Caloy
Email: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended