Sino sa 10 finalist ng 'Search For A Star' ang susunod sa yapak ni Sarah Geronimo

Sampung magagaling na singer ang iprinisinta ng Viva sa media nung Martes ng hapon. Sila ang maglalaban-laban sa pinaka-unang Search For A Star grand finals na magaganap sa Ultra sa Marso 13, Sabado, 9:00 ng gabi.

Matatandaang ang kontes na ito ay unang napanood sa IBC 13 sa titulo nitong Star For A Night. Inilipat ito ng GMA7 makalipas ng grand finals nito na kung saan ay nagwagi si Sarah Geronimo sa bago nitong titulong Search For A Star pero, na-retain ang host nitong si Regine Velasquez.

Last year pa ito. Ngayon ay nakapili na ng 10 grand finalists, 8 babae at 2 lalaki na lahat ay kasing-galing kundi man mas mahusay pa kay Sarah. Pero, ang tanong, kasing-swerte rin ba sila ni Sarah na ngayon bukod sa isa nang artista sa pelikula (Filipinas, Captain Barbell, Annie B) ay isa na ring recording artist, concert artist at TV star. Star siya ng sarili niyang serye sa ABS CBN na pinamagatang Sarah The Teen Princess. At isang taon pa lamang simula nang manalo siya sa SFAN at maging isang milyonaryo.

Ang mga finalists ay sina Tina Braganza, 15 years old at kumakanta na since she was 7. Ang competition song niya ay "Love Takes Time"; Jerrianne Mae Templo ("When you Believe"), 13, isa sa dalawang youngest contestants at matatawag na beterano sa amateur singing contests, having joined Batang Kampeon, Star Quest at Birit Bulilit; Rachelle Ann Go ("Through The Rain"), 17 at mula sa isang musical family; Ma. Camille Relevo ("Go The Distance"), 17. Tatlong beses siyang sumali sa Search For A Star bago siya nakapasa; Raymond Manalo ("Kailangan Kita"), 20 years old mula sa Angeles City. Nakatapos ng pag-aaral bilang isang scholar dahil myembro ng school choir: Genevieve Villabroza ("Kailan"), 13, matagal nang nagpapaalam sa kanyang mga magulang na kumanta pero never pinayagan, until last year, Iris Malazarte ("Bakit Ngayon Ka Lang"), 17, isang psychology stude mula sa Pampanga; Sarah Jean Badana ("Somewhere"), 15 , taga-Cebu at pumunta ng Maynila para sa finals nang nag-iisa; Romelo Valena ("Even Now"), 23, champion ng FEU singing contest pero tinapos muna ang college, magna cum laude, bago nagpasyang pumalaot sa mundo ng TV at si Cherryl Ubasa ("Never Ever Say Goodbye"), 19 years old, mula sa Binangonan, Rizal.

May pagkakataon ang TV viewers na bumoto ng kanilang gustong manalo sa pamamagitan ng isang promo na kung saan pwede silang mag-download ng logo o picture message. Tatlumpung porsyento ng final score ng kalahok ay dito magbubuhat. Kung maswerte kayo, isang lucky voter ay mananalo ng P100,000.

Unang gawin n’yo ay irehistro ang inyong pangalan at address. mag-text ng STAR <name of the finalist> <name & address of voter>. Ex. STARMELO Ann Cruz 123 Fairview St. Quezon City. Ipadala ito sa 2364 para sa Globe and Touch Mobile at 4627 para sa Smart and Talk N’ Text. Bawa’t logo o picture message ay nagkakahalaga ng P15.00.

May pre-finals primer na mapapanood sa GMA, 6:00 ng gabi sa Peb. 28 at Marso 6.
* * *
Mukhang mabisa ang tulong na ibinigay ng maraming taga-showbiz kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Sa pinaka-latest na survey ng Pulse Asia , nakakuha si PGMA ng 31.9% laban sa 31.7% ni FPJ. Kung ngayon gagawin ang halalan, dikit ang maging labanan ng dalawang nangungunang presidentiables.

Ilan sa mga staunch supporter ni PGMA na mga artista ay sina Kris Aquino, Boy Abunda, Edu Manzano , Laurice Guillen, Leo Martinez, Bayani Agbayani, Aiai delas Alas at marami pang iba.

Show comments