Maging ang talent manager niya raw na si Cornelia Lee a.k.a Angge ay alam na ang pagbubuntis ng kanyang alaga kaya cancelled na raw lahat ng commitment ni Matet.
Isang varsity player daw ang ama ng dinadala ni Matet, named Mikee Estrada ayon sa source ng Baby Talk. Kilala na rin daw ni Ate Guy ang boyfriend ni Matet at may blessing na raw ang dalawa na magsarili at bumuo ng sariling pamilya.
Ayon pa sa source, hindi na raw hina-hide ni Matet ang pagbubuntis niya.
In fact, marami na raw friends nila ang nakakaalam na preggy si Matet.
Kaya lang ang nakakabaliw dito ay ang pangalan ng boyfriend ni Matet, how ironic, Mikee Estrada, combination ni Mikee Arroyo and Jinggoy Estrada although iba ang spelling ng Mikey Arroyo.
Matagal-tagal na ring naudlot ang showing ng pelikulang ito dahil marami silang ni-reshoot. "Halimbawa, yung mga scenes sa bahay, pinaulit ni Direk because the look of the house wasnt right. Naghanap pa ng ibang bahay para lang makuha yung gusto niya na itsura at feel ng eksena," sabi ni Jolina.
Isa pa raw naging problema ay may kanya-kanyang commitments ang ibang stars ng pelikula. Dumating din ang Metro Manila Film Festival kung saan may dalawang entry ang Viva Films, Filipinas and Captain Barbell kaya don na-focus ang attention ng Viva. Pero ang pinaka-main reason talaga ay ang pagri-reshoot ng ibang eksena sa movie.
In a way, comeback movie ito ni Jolina. Matagal-tagal na rin nang huling mapanood siya sa pelikula.
Funny girl siya sa movie who happens to be an ukay-ukay vendor.
Magi-start ang movie na naggi-gate crash siya sa wedding ng advertising executive (Dingdong Dantes) mistakenly believing that he got her sister (Janice de Belen) pregnant. Pero nagbago ang lahat nang may mag-offer sa kanyang gumawa ng commercial. "Comedy, musical, drama, lahat nasa pelikula na namin," sabi ni Jolina.
In any case, Annie B., Bida Ng Ukay-Ukay, Bongga Sya Day will be shown on March 3.
Also in the movie are Jordan Herrera, Bobby Andrews, Armando Goyena, Ronaldo Valdez, Gloria Romero among others.