Mark, na in love na kay Jenny!

lInamin ni Mark Herras na tunay ngang may saloobin siya kay Jennylyn Mercado. Malakas ang tambalan ng dalawa kung saan marami na rin silang hukbo ng tagahanga. Enjoy nga si Mark dahil lagi silang magkasama ng kanyang kapareha sa taping ng mga shows.

Naghihintay lang ito ng tamang pagkakataon para maipahayag kay Jennylyn ang kanyang pag-ibig. Pero prioridad pa rin ng young actor ang career at magsisilbing inspirasyon lang sa kanyang trabaho si Jenny.
Ara, Talent Manager Na Rin
Pumayag pala ang manager ni Ara Mina na si Dondon Monteverde na maging talent manager na rin. Pero hindi sa ibang tao kundi mismo sa sariling kapatid na si Christine Reyes na sumali sa StarStruck. Excited na nga ang seksing aktres sa pagha-handle ng career ng kapatid at gusto niyang matutukan ito. Mayroon na siyang plano para sa kapatid kung saan pinapiktoryal na rin ito para sa publicity. Kumuha pa rin siya ng official PRO ni Christine para maalagaan ang publisidad.
Vicky, 10 Years Na Sa Gma
Si Vicky Morales ang bagong host ng Wish Ko Lang na pumalit kay Bernadette Sembrano. Maraming nagsasabi na mas magaling pa nga itong mag-host kaysa kay Bernadette.

Taliwas kay Bernadette ay never iiwan ni Vicky ang Siyete dahil matagal na siya rito kung saan inabot na siya ng sampung taon. Malaki ang naitulong sa kanya ng Siyete kaya malaki ang utang na loob niya sa network.
Magandang Regalo Kay Manay
Isa marahil sa pinaka-memorable na birthday celebration ni Manay Gina de Venecia na president at chairperson ng Congressional Spouses Foundation ang naganap noong Lunes sa The Haven. Naroon ang pamilya ni Gina sa pangunguna ng asawang si Speaker De Venecia ganoon din ang kanilang mga anak. Present din si Mama Nene at mga kapatid nito maliban kay Manay Ichu na nasa Amerika.

Naging panauhing pandangal si dating Presidente Cory Aquino, mga congressional spouses at mga kaklase ni Manay Gina noon pang Grade 1.

Napakagandang regalo kay Manay Gina ang dalawang centers: The Haven for Women and The Haven for Streetchildren. May naaprubahan pang budget para sa expansion ng project sa Marilac Hills.
Bigyan Ng Break Si Lester!
Ang galing palang mag-gitara ni Lester Llansang at umaawit pa ito.

After Saranggola ay di na ito nabigyan ng meaty roles pa. Puro suporta na lang ang papel na ginagampanan niya.

Sana’y mabigyan pa ito ng maraming proyekto dahil magaling ito.

Pakiramdam nito ay nag-iisa na lang siya sa buhay kaya gusto ring makapag-aral man lang ng caregiver para makapunta sa ibang bansa sakaling lumamlam na ang career.
Dingdong, Type Maging Kontrabida!
Napaka-wholesome ng image na ipino-project ni Dingdong Dantes sa telebisyon at pelikula. Pero nangangarap din itong lumabas na kontrabida balang araw. Naniniwala kasi ang aktor na challenging ang ganitong klase ng papel.

Magaling ang acting nito sa teleserye nilang Twin Hearts at bagay talaga sila ni Tanya Garcia. Pero pareho nang may commitment ang dalawa at hanggang sa soap opera na lang ang kanilang relasyon.

Sa kalipunan ng mga sexy stars ay crush niya si Aubrey Miles.
Tayung-Tayo Pa Rin Ang Boobs
Naaliw kami sa kwento ng isang taga-showbiz na malapit sa isang direktor. Sabi nito, talagang panay ang deny ng sexy star na siya’y nagparetoke ng dibdib.

Dumating ngayon sa puntong nagkasama sa movie ang sikat na aktres at ang direktor. Nang kinukunan na ang isang mainit na eksena ay takang-taka si Direk dahil kahit anong galaw ng sexy actress habang nagroromansa sila ng leading man ay tayung-tayo pa rin ang boobs nito.

Doon lang naniwala si Direk na nagkaroon nga ng breast augmentation ang petite na popular sexy actress na pilit pa ring nagde-deny hanggang ngayon na di peke ang boobs.

Show comments