Ma-revive kaya ng Star Circle Quest ang romance nina Luis at Jodi?
February 26, 2004 | 12:00am
Hindi naman itinatanggi nina Luis Manzano at Jodi Santamaria na nagkaroon sila ng romansa nun, bago pa nagkaroon ng relasyon si Jodi sa anak ng presidentiable na si Ping Lacson. Katunayan, tatlong taon na ang relasyon nila ni Pamfy at going stronger pa ito.
Wala namang pormal na ligawan na naganap dahil mahiyain si Luis. Hindi siya makapagsalita dahil wala naman siyang makita o maramdamang encouragement from Jodi. Hanggang ilagay si Luis sa isang test ni Jodi. May itinanong ito sa kanya na kung nasagot lamang niya ng tulad ng inaasahan ni Jodie ay baka nakipag-on ito sa kanya. Pero, hindi narinig ni Jodi ang inaasahan nitong tugon mula sa kanya, kaya naging magkaibigan na lamang sila, hanggang ngayon.
Ang dalawa ay napili ng ABS CBN para maging host ng kanilang reality-based talent search na Star Circle Quest na magkakaroon ng kick off sa Araneta Coliseum ngayong Byernes, Peb. 27. Libre ang pagpasok.
May dalawang components ito, ang Star Circle Kids Search na maghahanap ng mga future stars ranging from 5 to 8 years old at ang Star Circle Teens Search para sa mga may edad 13-19 taong gulang.
Mula sa may 10,000 aplikante na nag-audition sa ABS CBN studio simula nung Nobyembre 2003 hanggang Peb. 7 at 8, nakapili ng 400 finalists, 200 para sa kids division at 200 para sa Teens division para sa premiere episode nito sa Marso.
Sa bilang na ito magsisimula ang paghahanap ng mga stars of tomorrow as week 1 begins with 400 finalists at magtatapos sa bilang na 100, 50 para sa Star Kids at 50 para sa Star Circle Teens. Magpapatuloy ang eliminasyon hanggang sa makakuha ng dalawang final winner, tig-isa sa bawat dibisyon.
Sinabi ng isa sa mga execs ng ABS CBN na si Deo Endrinal na hindi nila kinokopya ang StarStruck ng GMA. Siyam na taon na nilang ginagawa ang paghahanap at pagde-develop ng mga artista pero ngayon lamang nila ito ipalalabas sa TV.
Nagpatayo pa sila ng training center at iskwelahan bilang bahagi ng kanilang talent development.
Pagkatapos na pagkatapos ng mega Manila search sa buwan ng Hunyo ay magkakaroon sila ng nationwide search sa anim na key cities, Baguio, Naga, Iloilo, Cebu at Cagayan de Oro. Tatagal ito hanggang Setyembre at pagkatapos ay dadalhin nila ito sa Sydney, San Francisco, Toronto, Dubai, at Milan.
Ayon kay G. Endrinal, mas planado ang Star Circle Quest kumpara sa artistra
search ng Siyete. At hindi guesting sa mga mananalo ang plano nila kundi paghahanap ng venues para sa mga mananalo.
Nakatutuwa na sa kabila ng kasikatan niya ngayon ay wala pa ring ka-ere ere si Sarah Geronino. Pakiramdam ko nga, di pa siya aware sa kanyang popularidad at talagang gusto lamang magtrabaho para sa kanyang pamilya.
Bagay sa kanya yung bago niyang soap sa ABS CBN, ang Sarah The Teen Princess na magsisimulang mapanood sa buwan ng Marso. Tungkol ito sa isang kabataang babae na nangangarap maging isang beauty queen. Kaya sumali siya sa Miss Teen Princess, isang talent and beauty contest na magpapareha sa kanya sa tatlong gwapong mga kabataang lalaki rin, si Mark Bautista, ang ibini-build up sana na loveteam niya ng Viva pero mas type niya itong maging "kuya"; Mikel Campos at Michael Agassi. Si Mark ang gumaganap ng role ng best friend niya, si Mikel ang crush niya na commercial model at si Michael ang handyman na mahilig sa mga bata.
Nasa cast din sina Gloria Diaz na gumaganap ng role ng kanyang ina, ang lolo niya na si Jaime Fabregas, ang best friend niya na si Aiza Marquez, ang mga kuya niya na dalawa sa grupong Salbakuta (ang isa pa ay best friend naman ni Mark), ang tatay niyang si Ward Luarca, ang kapatid niyang si Elise Pineda at ang mga kontrabida sa buhay niya na sina Glaiza de Castro at Jill Yulo.
Dalawa ang direktor ng Sarah The Teen Princess, sina Ricky Rivero at John D Lazatin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am