Naikwento ni Bayani nang dalawin namin ang set ng movie kamakailan, ang friendship nila ni Vhong.
"Magkaibigan na kami noon pa," he recalls. "Magkasama kami noon sa show na Super Laff In. Wala pa kaming mga sariling sasakyan noon. From then on, hindi kailanman nasira ang friendship namin."
Hanga rin si Bayani sa kakaibang istilo ng pagpapatawa ni Vhong.
"May style siyang sa kanya lang talaga. Pero kahit ako, natatawa sa kanya," sabi pa ni Bayani.
Kasama rin sa cast ng Otso Otso (Pamela Mela Wan) sina Tessie Tomas, Michelle Bayle, Cherry Lou, Dexter Doria, Angelene Aguilar at Karel Marquez. Si Jerry Lopez-Sineneng ang director nito.
Okey ang kumbinasyon nila bilang hosts ng programa. Nagku-compliment ang kahusayan nila bilang hosts. Okey pala talaga si Bernadette. Bukod sa mahusay na, maganda pa. Refreshing ang beauty niya. Di bat naging girlfriend siya noon ni Congressman Noynoy Aquino?
Tiyak na magiging malaking asset si Bernadette sa MUB. Yung mga followers niya noong nasa GMA 7 pa siya ay tiyak na naglipatan na rin.
Ang MUB ay isa lang sa mga shows ni Bernadette sa ABS-CBN. May sarili rin siyang show na nakatakdang i-launch, ang Lukso ng Dugo ay isang reality show about peoples lives.
Sa aura ni Bernadette, halatang masaya siya sa ginawa niyang paglipat mula sa GMA 7 to ABS-CBN 2. She is being managed by Genesis Entertainment, Inc.
Hanggang sa dumating ang swerte sa kanyang buhay. Naging artista siya sa pelikula at telebisyon. Ngayon ay isa na siyang well-loved personality sa showbiz. Pero sa pagdating ng nasabing oportunidad, kasabay din ng intriga sa buhay ni Mura. Pinagdudahan ang kanyang kasarian. Marami ang nagtatanong kung totoong babae nga ba si Mura. Kung isa man siyang lalake, ano ang dahilan at inilihim ito?
Nangako naman ang mga kaibigan naming taga-MMK na sasagutin na ang malaking katanungang ito na bumabalot sa pagkatao ni Mura.
Si Mura mismo ang gaganap sa kanyang lifestory. Si Joyce Bernal ang nagdirek ng episode.