May soap opera na ito sa Dos. Bibigyan din siya ng launching movie ng Viva Films na isang suspense-thriller trilogy. Hihintayin lang na mabakante si Mac Alejandre para simulan ang kanyang pelikula.
Mabait na anak si Sarah kaya naman sinuwerte ito.
Nakapagpatayo na ito ng isang beauty parlor sa Piy Margal sa may UST na tinawag nitong Popstar Boutique and Salon. Halos wala nang tulog ang young actress sa rami ng commitment kaya umiinom na lang ng vitamins para lumakas ang katawan. Bukod sa taping ng soap opera at iba pang programa ay may concert ito sa Pebrero 27 sa Aliw Theater titled Sarah, To Love Her More.
Ayon kay Echo, saludo siya kay Bryan pagdating sa pagiging propesyonal at magaling umarte kaya hind ito nagtataka kung naging best child actor ito.
Sa kabilang banda, umaasa si Bryan na magkasama sila ni Echo sa isang pelikula.
Isang mahalagang award na tinanggap din nito ay ang Mayors Award of Excellence.
Nominado rin si Bryan sa mga award-giving bodies bilang child actor para sa The Homecoming sa taong ito.
Inamin din nito na malapit silang magkaibigan ni Heart Evangelista pero hanggang sa pagiging close friends muna sila. Kung siya ang masusunod, mas type niyang magkaroon ng gf na non-showbiz.
Kasama ang guwapong aktor sa It Might Be You na tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
"In love naman sila sa isat isa at tanggap ko naman ito. Sana lang huwag na nilang ulitin pa ang nakaraang away nila dahil may mga nasasagasaang mga tao na malalapit sa kanila. Noong mangyari ito ay nasaktan nang labis ang mga anak ni Joey at mga anak din namin," aniya.
Pakiusap lang nito sa dating asawa na mabigyan naman ng quality time ang mga anak nila kapag araw ng Sabado at Linggo.
"Okey lang kahit mukha lang namin ang matandaan niya kahit di pa ang aming pangalan sa dalawang taong nakalipas. Pero parang di pa rin niya alam na nagtatrabaho kami sa recording company hanggang ngayon," anila.
Naku! ha! baka may sakit na amnesia ang magandang actress-singer na ito na galing sa angkan ng mga artista.