Aga, Edu, Bayani, magsus-sosyo sa negosyo

Habang nagtatagal, mas nagiging close sina Aga Muhlach, Edu Manzano at Bayani Agbayani. Ang friendship nila ay nagsimula lamang sa sitcom na pinagsasamahan nilang tatlo, ang OK Fine! Whatever ng ABS CBN.

Ngayon, kapag break ng kanilang taping ay makikita mo silang tatlo na nagkukwentuhan. At parang hindi pa ito sapat, kapag wala silang trabaho ay nagkakayayaan silang lumabas, at over some bottles of beer, nakakapag-bonding na sila. Kung hindi naman sa mga bahay-bahay nila sila nag-iinuman. Hindi naman sila umaabot sa punto na sumusobra sila ng pag-inom. Mas maraming kwento kaysa inom kaya, oras lamang ang pumapanaw hindi ang kanilang mga ulirat.

Madalas makita sila sa isang restaurant sa ibaba ng bagong ABS CBN building, ang Cork Grill kung kaya marami ang nag-aakala na isa sa kanila ang nagmemeari nito, lalo na si Edu dahil madalas din dun ang anak niyang si Lucky Manzano. Minsan nga ay nakita ito run ng matagal-tagal, yun pala ay hinihintay lamang nito si Karel Marquez na naging dahilan ng pagtataas ng kilay ng marami sapagkat hindi natsitsismis ang dalawa.

But going back to Edu, Aga and Bayani, may balak pala ang mga ito na bilhin ang rights ng Cork Grill. Balak nilang pangalanan ito ng OK Fine Bar. Kung magtatagumpay sila ay panahon lamang ang makapagsasabi.
* * *
Sayang at dahil sa aking sakit na vertigo ay hindi ko nagawang makapag-interview nang maimbitahan ako sa presscon ng Annie B. Andun pa naman lahat ng major stars ng pelikula. Magsisimula pa lamang akong kausapin si Dingdong Dantes, nang atakihin ako ng matinding hilo. Buti na lamang at inalalayan ako ng husto ng mga kasamahang sina Edgar Cruz at Danny Vibas at inihatid sa sasakyan. Kung hindi, siguro dun ako inabot ng paghihimatay sa presscon.

Tapos na tapos na ang pelikula. At the time of the presscon, tinatapos na ang dubbing nito, ayon kay Dingdong. Na-late masyado ang movie dahil maraming eksena na ni-reshoot. Yung unang bahay na napili ay pinapalitan ni Direk Louie Ignacio, hindi raw niya feel.

Ikalawang dahilan ng delay ay yung di magkatugmang sked ng mga artista. Naging abala rin sa MMFF ang Viva na nagkaroon ng dalawang entries.

Pero, sulit naman ang paghihintay ng manonood from January to March. Maganda ang musika, ang dayalogo. Ayon nga kay Direk Louie, maganda ang rapport ng mga artista niyang sina Jolina Magdangal, Dingdong Dantes, Jordan Herrera, Sarah Geronimo, Mark Bautista, Amy Austria, Gloria Romero, Armando Goyena, Ronaldo Valdez, Bobby Andrews, Iza Calzado at Mel Martinez. At kakaiba ang pitik ng mga jokes sa pelikula.

Show comments