Sheree, binigyan ng last chance ng Viva!

Sa ikalawa at huling pagkakataon ay tinanggap ng Viva Hot Babes si Sheree para mapabilang uli sa kanilang grupo. Nangako naman ang sexy star na magpapakabuti na siya at papatunayan niya ang kanyang pagbabago.

Si Sheree ang isa sa tatlong frontliner ng Viva Hot Babes na kasama sa bagong show ng ABS-CBN na Yes, Yes Show na magsisimula sa February 25 pagkatapos ng It Might Be You. Silang tatlo nina Katya Santos at Gwen Garci ang palagiang mapapanood linggo-linggo sa bagong gag show ng Dos at ang ibang myembro ay pasalit-salit lang. Ito ang dahilan kung bakit malaki ang pasasalamat nito sa kanyang manager na si Jessica Rodriguez at sa kaibigan nitong si Patricia Javier lalo na sa ABS-CBN at sa Viva.

Isang magaling na mang-aawit si Sheree. Kasama siya sa banda bago siya naging Hot Babe at nakapag-tour na sila sa America at ibang bansa. Maliban sa pagiging manganganta ay mahilig siyang magpatawa kaya siya naging frontliner ng Viva Hot Babes na mapapanood tuwing Miyerkules ng gabi sa Dos.

Ayon pa rin sa sexy star, tuloy pa rin ang kanyang pagpapa-sexy sa pelikula at kung maaari ay hanggang paseksi lang siya dahil mas gusto niyang image ang sexy singer. Gusto na rin niyang ayawan ang magpapakita ng boobs o puwet sa pelikula at mga pictorial.

— AD

Show comments