"Talagang seryoso ako sa panliligaw ko sa kanya. Gusto ko siya dahil sobrang ganda niya, sobrang matalino at sobrang mabait. Dahil pareho naman kaming busy kung kaya text-text lang kami. Minsan, lumalabas kami kasama ang mga kaibigan niya o kaya ay mga kaibigan ko. Never kaming dalawa lamang, lagi kaming may kasama. Alam nyo naman na may image kami na pinangangalagaan.
"Hindi kami ngayon lang nagkakilala. Mga 13 years old lamang siya nang una kaming magkakilala, sa SM Fairview. Di pa siya artista nun at kami naman ng Streetboys ay may pino-promote na album. Tapos, matagal kaming di nagkita,until mag-guest siya sa Whattamen. Kinuha ko ang number niya, tapos text-text na kami," ani Vhong.
Paano na ang girlfriend niyang si Angelica Jones?
"Di naman naging kami ni Angelica, loveteam lang talaga kami sa movie. Totoo na nagsimba kaming magkasama sa Baclaran pero, ito naman ay bilang pasasalamat sa naging success ng pelikula naming Mr. Suave."
When asked kung di ba siya nagseselos sa karibal niyang si Vic Sotto, sinabi niyang "Hindi dahil hindi pa naman siya sinasagot ni Diana."
Ang Otso Otso ay di lamang nanggaling sa kantang pinasikat nina Vhong at Bayani na tinatawag ngayong "Princes of Comedy", titulo pa rin ito ng pelikula nila na kung saan ay ginagampanan nila ang roles ng dalawang set ng kambal na pinapaghiwalay ng kapalaran nung kanilang kapanganakan at pinagtagpo, ng kapalaran din, nung sila ay malalaki na.
Nasa direksyon ni Jerry Sineneng at nagtatampok din kina Tessie Tomas, Cherry Lou, Angelene Aguilar, Denise Joaquin, Pinky Marquez, Karl Marquez, Robin da Roza, Dexter Doria, Michelle Bayle at marami pang iba.
Isa ito sa mga ipinagmalaki ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nung magsalita siya sa National Arts Center sa Los Baños, Lagu- na na kung saan ay pinirmahan niya rin ang nasabing batas.
"Ginawa ko ito dahil ako ay movie fan na noong maliit pa ako. Eh maliit pa rin ako hanggang ngayon kaya movie fan pa rin ako," anang Pangulo.
Idinagdag pa niya kung gaano kaimportante sa karaniwang mamamayan ang sine, ganun din ito sa kanya. "Laging dinadala kami ng nanay ko para manood ng double program na sine, Tagalog movies silang lahat, kasama ang lola ko at ang driver namin."
Sa kanyang tatlong taong panunungkulan, higit sa tatlong milyong trabaho ang nalikha niya para sa daigdig ng pelikula.
"Sa tatlong milyong trabahong ating nalikha, palagay ko nakasagip tayo ng maraming trabaho nang ibinaba ang amusement tax, nang sinubsidize ang sine ng film festival at nang palakasin ni Bong Revilla ang kampanya laban sa film piracy."