"Grabe naman yang nasulat na yon tungkol sa akin. Alam ng Diyos, hindi ko pwedeng gawin yon. Member ako ng aming church sa Binondo, baka ako mahulog sa impyerno kapag ginawa ko ang ibinibintang sa akin," malungkot na kwento ng daddy ni Lovely. Kapalit daw yata ng pagtanggap kay Lovely bilang ganap na singer ang ibat ibang intriga.
Nag-show kasi ng dalawang beses si Lovely Mansueto sa Bodega City at sa ika-25 ng Pebrero ay sa Branigan Morato naman siya kasama sina Paul Toledo at Star Benedicto.
May kontrata rin si Lovely sa World Arts Cinema Film. Vir Gonzales