Daddy ni Lovely, pinagbintangang nagbugaw
February 23, 2004 | 12:00am
Aminado si Manding Mansueto na medyo nasaktan siya sa nabasang item tungkol sa kanyang anak na si Lovely Mansueto. Nabanggit doon na umanoy ibinubugaw niya ang anak sa mga Hapong nanood ng show ni Lovely sa isang five star hotel. Balana ay bumabati kay Lovely, sabay ng pagbibigay ng calling card sa naturang teen star. Nakaapekto yata sa paningin ng ilang nakapanood ang pagbibigay ni daddy Manding ng calling card at napagkamalang ibinubugaw ang anak.
"Grabe naman yang nasulat na yon tungkol sa akin. Alam ng Diyos, hindi ko pwedeng gawin yon. Member ako ng aming church sa Binondo, baka ako mahulog sa impyerno kapag ginawa ko ang ibinibintang sa akin," malungkot na kwento ng daddy ni Lovely. Kapalit daw yata ng pagtanggap kay Lovely bilang ganap na singer ang ibat ibang intriga.
Nag-show kasi ng dalawang beses si Lovely Mansueto sa Bodega City at sa ika-25 ng Pebrero ay sa Branigan Morato naman siya kasama sina Paul Toledo at Star Benedicto.
May kontrata rin si Lovely sa World Arts Cinema Film. Vir Gonzales

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended