Mark, regular na sa ASAP

Regular nang mapapanood sa ASAPMania si Mark Bautista. Makikipagtagisan na siya sa pagkanta sa mga veteran singers like Gary Valenciano, Zsazsa Padilla, Kuh Ledesma among others.

"Hindi ko po ma-explain ang feelings nang malaman kong magiging regular na ako sa ASAPMania. Before kasi po, napapanood ko lang sila sa probinsiya, pero ngayon, kasama ko na sila sa show," sabi ni Mark na unang nakilala nang maging finalist sa Star For A Night.

Actually, hindi lang sa ASAPMania makikipag-showdown si Mark with Sarah Geronimo, Erik Santos and Sheryn Regis kung saan may sarili na silang portion sa Sunday noontime show ng ABS-CBN, one of these days ay makikipagtagisan na rin siya sa acting, sa sariling soap opera nila ni Sarah, sa ABS-CBN din.

"Nung una medyo may napi-feel pa akong nerbiyos, pero gradually, nakaka-adjust na ako. Minsan hindi ko na ma-explain ang mga nangyayari sa career ko, sobra-sobra na ang blessing na dumarating sa akin. I wanna thank God sa lahat ng binibigay niyang blessings," he said.

Aside from ASAPMania and soap opera, nai-excite din siya sa showing ng Annie B. starring Jolina Magdangal. "Cute ang role namin ni Sarah sa movie."

Hanggang ngayon busy pa rin siya sa promo ng debut album niya under Viva Records na may 12 cuts – "Ngayon at Kailanman," "Ako’y Maghihintay" (a duet with Sarah), "Kapag Ako’y Kailangan," "Another Chance," "Sayang Naman," "One Girl," "Lahat Sa Buhay Ko" and his version of well-loved hits "Will You Still Love Me Tomorrow," "Out Here On My Own," "Lost Without Your Love" and "Power of Love." Mark’s album is now out in the market with the song, "Baliw," as carrier single.

Kasama rin siya sa Sarah: To Love Her More at the Aliw Theater on Feb. 27.

At kung merong mas proud sa nangyayari sa career niya, yun ay ang kanyang parents na naka-base sa Cagayan.

"Hindi rin kasi po nila ini-expect na mabibigyan ako ng ganitong chance. Dati, sa Cagayan lang ako kumakanta," he recalls.

Naging member ng apat na banda si Mark sa Cagayan bago siya naglakas loob na makipagsapalaran sa Maynila at maabot ang kanyang mga pangarap.

Si Mark ay naka-kontrata sa Viva Artists Agency, headed by Veronique del Rosario-Corpus.

Show comments